Betfage, Bundok ng mga Olibo, at Jerusalem
Makikita sa video na ito ang daan papuntang Jerusalem mula sa silangan, mula sa nayon na tinatawag ngayong et-Tur—ipinapalagay na ang Betfage noong panahon ng Bibliya—hanggang sa isa sa matataas na bahagi ng Bundok ng mga Olibo. Ang Betania ay nasa silangan ng Betfage na nasa silangang dalisdis ng Bundok ng mga Olibo. Kapag nasa Jerusalem si Jesus at ang mga alagad niya, madalas silang magpalipas ng gabi sa Betania, kung saan matatagpuan ngayon ang nayon ng el-ʽAzariyeh (El ʽEizariya), pangalang Arabiko na nangangahulugang “Lugar ni Lazaro.” Tiyak na tumuloy si Jesus sa bahay nina Marta, Maria, at Lazaro. (Mat 21:17; Mar 11:11; Luc 21:37; Ju 11:1) Kapag nanggagaling si Jesus mula sa bahay nila papuntang Jerusalem, posibleng ang dinadaanan niya ay kagaya ng rutang makikita sa video. Noong Nisan 9, 33 C.E., nang umakyat si Jesus sa Bundok ng mga Olibo papuntang Jerusalem sakay ng anak ng asno, posibleng nagsimula siya sa Betfage at dumaan sa kalsadang papunta sa Jerusalem.
1. Daan mula sa Betania papuntang Betfage
2. Betfage
3. Bundok ng mga Olibo
4. Lambak ng Kidron
5. Bundok ng Templo
Kaugnay na (mga) Teksto: