Pako sa Buto ng Sakong
Replika ito ng buto ng sakong ng tao na may nakatusok na pakong bakal na 11.5 cm (4.5 in) ang haba. Ang orihinal na artifact nito, na natuklasang mula pa noong panahon ng mga Romano, ay natagpuan noong 1968 sa isang paghuhukay sa hilagang Jerusalem. Patunay ito na talagang ginagamit noon ang mga pako sa paglalapat ng hatol na kamatayan sa tulos. Ang pakong ito ay maaaring katulad ng ginamit ng mga sundalong Romano sa pagpapako kay Jesu-Kristo sa tulos. Ang artifact ay natagpuan sa isang lalagyang bato, na tinatawag na ossuary, kung saan inilalagay ang tuyong buto ng bangkay kapag nabulok na ang laman nito. Ipinapakita nito na maaaring ilibing ang taong hinatulan ng kamatayan sa tulos.
Credit Line:
Photo Clara Amit, Courtesy of the Israel Antiquities Authority
Kaugnay na (mga) Teksto: