Kolonada ni Solomon
Makikita sa 3-D na video na ito ang isang posibleng hitsura ng Kolonada ni Solomon. Makikita ito sa silangang bahagi ng malaking looban ng templo sa Jerusalem noong unang siglo. Isa itong malapad na pasilyong may bubong. Tatlong beses na binanggit sa Bibliya ang lokasyong ito. Iniulat ni Juan na minsan, habang naglalakad si Jesus sa kolonadang ito, pinalibutan siya ng mga Judio at pinaamin kung siya nga ang Kristo. (Ju 10:22-24) May pagkakataon ding nagtipon ang mga tao sa Kolonada ni Solomon para pakinggan ang paliwanag ni Pedro kung paano niya pinagaling ang isang lalaking ipinanganak na lumpo. (Gaw 3:1-7, 11) Nagtitipon din ang mga Kristiyano noon sa Kolonada ni Solomon.—Gaw 5:12, 13; tingnan sa Glosari, “Kolonada ni Solomon.”
Kaugnay na (mga) Teksto: