Batong Banga
Makikita rito ang mga batong banga sa Jerusalem noong unang siglo. Ang mga banga ay karaniwan nang gawa sa luwad (Isa 30:14; Pan 4:2), pero ayon sa Bibliya, ang mga bangang ginamit sa kasalan sa Cana ay gawa sa bato. (Ju 2:6) Maraming batong banga na natagpuan sa Jerusalem. Ipinapalagay na karaniwang ginagamit noon ang mga batong sisidlan dahil iniisip ng marami na hindi ito madaling marumhan sa seremonyal na paraan, di-gaya ng mga sisidlang gawa sa ibang materyales, gaya ng luwad. (Lev 11:33) Posibleng ito ang dahilan kung bakit binanggit ni apostol Juan na ang mga batong banga na pinaglalagyan ng tubig ay para sa “ritwal na paglilinis ng mga Judio.”
Credit Line:
Collection of Israel Antiquities Authority. Photo © The Israel Museum, Jerusalem, by Abraham Hay
Kaugnay na (mga) Teksto: