Barkong Pangkalakal Noong Unang Siglo
Noong unang siglo C.E., iba-ibang klase ng barkong pangkalakal ang naglalayag sa Dagat Mediteraneo. Ang ilan ay ginagamit para maglayag malapit sa baybayin, gaya ng barko mula sa Adrameto na sinakyan ni Pablo mula Cesarea papuntang Mira habang bilanggo siya. (Gaw 27:2-5) Pero ang klase ng barkong pangkalakal na sinakyan ni Pablo sa Mira, gaya ng makikita rito, ay isang malaking sasakyang pandagat na may kargang trigo at may sakay na 276 na tripulante at pasahero. (Gaw 27:37, 38) Malamang na mayroon itong isang maliit na layag sa unahan at isang malaking layag, at posibleng minamaniobra ito gamit ang dalawang malaking sagwan sa popa. Madalas na mayroon itong simbolo sa unahan na sumasagisag sa isang diyos o diyosa.
1. Barkong pangkalakal
2. Bangkang pangisda sa Galilea
Kaugnay na (mga) Teksto: