Ang Teatro at Iba Pang Lugar sa Efeso
Kasya ang 25,000 tao sa teatro na makikita sa video na ito. Ito ang pinakamalaking teatro sa Asia Minor noong panahon ni Pablo. Makikita ang teatro sa sangandaan ng dalawang malalaking kalsada sa Efeso, at malaking bahagi ito ng buhay ng mga taga-Efeso. Ginagamit ang mga Romanong teatro noon sa mga pagtatanghal at pagdedebate. Sa teatrong ito kinaladkad ng mga mang-uumog ang mga kasama ni Pablo nang magpasimuno ng gulo si Demetrio at ang iba pang panday-pilak laban kay Pablo.—Gaw 19:23-29.
1. Teatro
2. Pamilihan
3. Daang Arcadian
4. Gymnasium (itinayo noong katapusan ng unang siglo C.E.)
Kaugnay na (mga) Teksto: