Herodes Agripa I
Ang baryang makikita rito ay ginawa noong mga 43-44 C.E. ni Herodes Agripa I, na tinukoy sa Gaw 12:1 bilang “Haring Herodes.” Makikita ang ulo ni Emperador Claudio sa isang panig ng barya, at sa kabila naman, sina Claudio at Agripa I. Nakasulat dito ang pangalan ni Agripa. Si Emperador Caligula (na namahala noong 37 hanggang 41 C.E. at hindi binanggit sa Kasulatan), na naunang mamahala kay Claudio at pamangkin nito, ang nagtalaga kay Herodes Agripa I na maging hari noong 37 C.E. Nang maglaon, pinalawak ni Claudio ang teritoryong sakop ni Agripa. Pinag-usig nang husto ni Herodes Agripa I ang kongregasyong Kristiyano noon; ipinapatay pa nga niya si apostol Santiago at ipinabilanggo si Pedro. (Gaw 12:1-4) Natapos ang pamamahala ni Herodes noong saktan siya ng anghel ni Jehova at mamatay.—Gaw 12:21-23.
Credit Line:
© Trustees of the British Museum. Licensed under CC BY-NC-SA 4.0 (http://creativecommons.org/licenses/by/4.0/). Source: http://britishmuseum.org/collectionimages/AN00644/AN00644015_001_l.jpg
Kaugnay na (mga) Teksto: