Inskripsiyon na Bumabanggit sa mga Panday-Pilak sa Efeso
Maraming inskripsiyon ang natagpuan sa Efeso na bumabanggit sa mga panday-pilak ng lunsod na iyon. Makikita sa inskripsiyong ito, na mula pa noong ikatlong siglo C.E., ang parangal na ibinigay nila sa proconsul na si Valerio Festo sa pagtulong sa kanila at sa pagpapaganda ng daungan. Pinapatunayan ng inskripsiyon na prominente noon ang mga panday-pilak at mayroon silang organisadong asosasyon, o samahan. Sinabi ng aklat ng Gawa na nagpasimuno sila ng gulo nang malugi sila sa pagbebenta ng “mga dambanang pilak ni Artemis.”—Gaw 19:24.
Credit Line:
Courtesy of Efes Müzesi, Selçuk, İzmir, Türkiye
Kaugnay na (mga) Teksto: