Mga Gawa ng mga Apostol—Ilang Mahahalagang Pangyayari
Inilista ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod
1. Sa Bundok ng mga Olibo malapit sa Betania, inutusan ni Jesus ang mga alagad niya na magpatotoo tungkol sa kaniya “hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa” (Gaw 1:8)
2. Noong Pentecostes, ibinuhos ang banal na espiritu sa mga alagad, na nagpatotoo sa iba’t ibang wika (Gaw 2:1-6)
3. Pinagaling ang isang lalaking lumpo sa Magandang Pintuang-Daan ng templo (Gaw 3:1-8)
4. Humarap ang mga apostol sa Sanedrin at sinabi na “dapat [nilang] sundin ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao” (Gaw 5:27-29)
5. Pinagbabato si Esteban sa labas ng Jerusalem hanggang sa mamatay (Gaw 7:54-60)
6. Nang mangalat ang mga alagad, nagpunta si Felipe sa Samaria at nangaral doon; isinugo doon sina Pedro at Juan para tumanggap ng banal na espiritu ang mga nabautismuhan (Gaw 8:4, 5, 14, 17)
7. Nangaral si Felipe sa isang mataas na opisyal na Etiope sa daan mula sa Jerusalem papuntang Gaza at binautismuhan ito.—Tingnan ang mapa na “Ang mga Ginawa ng Ebanghelisador na si Felipe” (Gaw 8:26-31, 36-38)
8. Nagpakita si Jesus kay Saul sa daan papuntang Damasco (Gaw 9:1-6)
9. Inutusan ni Jesus si Ananias na magpunta sa lansangang tinatawag na Tuwid para tulungan si Saul; nabautismuhan si Saul (Gaw 9:10, 11, 17, 18)
10. Nang mamatay si Dorcas sa Jope, pinakiusapan ng mga alagad si Pedro na magpunta sa kanila; mula sa Lida, nagpunta si Pedro sa Jope at binuhay-muli si Dorcas (Gaw 9:36-41)
11. Habang nasa Jope, nakakita si Pedro ng isang pangitain tungkol sa mga hayop na nilinis na (Gaw 9:43; 10:9-16)
12. Nagpunta si Pedro sa Cesarea, kung saan nangaral siya kay Cornelio at sa iba pang di-tuling Gentil; naniwala sila, tumanggap ng banal na espiritu, at nabautismuhan (Gaw 10:23, 24, 34-48)
13. Unang tinawag na Kristiyano ang mga alagad sa Antioquia ng Sirya (Gaw 11:26)
14. Ipinapatay ni Herodes si Santiago at ipinabilanggo si Pedro; pinalaya ng anghel si Pedro (Gaw 12:2-4, 6-10)
15. Simula ng unang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero kasama sina Bernabe at Juan Marcos.—Tingnan ang mapa na “Unang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero” (Gaw 12:25; 13:4, 5)
16. Nang magkaroon ng pagtatalo sa Antioquia tungkol sa pagtutuli, dinala nina Pablo at Bernabe ang isyu sa mga apostol at matatandang lalaki sa Jerusalem; bumalik sila sa Antioquia pagkatapos ng pagpupulong (Gaw 15:1-4, 6, 22-31)
17. Simula ng ikalawang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero.—Tingnan ang mapa na “Ikalawang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero”
18. Simula ng ikatlong paglalakbay ni Pablo bilang misyonero.—Tingnan ang mapa na “Ikatlong Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero”
19. Nagkagulo sa templo noong nasa Jerusalem si Pablo; inaresto si Pablo, at nagsalita siya sa harap ng mga tao habang nakatayo sa hagdan ng Tanggulan ng Antonia (Gaw 21:27-40)
20. Nang mabunyag ang sabuwatan para ipapatay si Pablo, sinamahan ng mga sundalo si Pablo papuntang Antipatris bago ipadala sa Cesarea (Gaw 23:12-17, 23, 24, 31-35)
21. Nilitis si Pablo sa harap ni Festo; umapela si Pablo kay Cesar (Gaw 25:8-12)
22. Unang bahagi ng paglalakbay ni Pablo papuntang Roma.—Tingnan ang mapa na “Paglalakbay ni Pablo Papuntang Roma”