Pagbubuwis
Makikita rito ang isang resibo ng buwis para sa ibinentang ari-arian noong unang siglo C.E. Makikita sa resibo na ibinayad ito sa isang bangko sa lalawigan ng Roma na Ehipto. Maraming sinisingil na buwis ang Imperyo ng Roma, at naniningil din ng buwis ang mga lalawigan nito. Ipinapakita ng mga ganitong labí kung paano inirerekord noon ang pagbabayad ng buwis. Ang payo ni Pablo sa mga Kristiyano sa Roma na magbayad ng buwis ay kaayon ng ginawa noon ni Jesus, na nag-utos sa mga tagasunod niya: “Ibayad ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar.”—Mat 22:21; Ro 13:6, 7.
Credit Line:
Tiberius Claudius Antoninus Receipt for tax on sales, P.Tebt.0350 RECTO. Courtesy of The Bancroft Library, University of California, Berkeley.
Kaugnay na (mga) Teksto: