Inskripsiyon ng Pangalan ni Erasto sa Corinto
Makikita rito ang batong sahig sa isang plaza na malapit sa teatro ng Corinto. Nakasulat dito ang pangalan ng opisyal na si Erasto, na sinasabing nagpagawa ng batong ito sa sarili niyang gastos. Sa liham ni Pablo sa mga Kristiyano sa Roma, na isinulat sa Corinto, binanggit niya ang pagbati ni “Erasto na ingat-yaman.” (Ro 16:23) Sinasabing ang sahig na may inskripsiyon ay mula pa noong unang siglo C.E., kaya iniisip ng ilang iskolar na iisa lang ang Erasto sa inskripsiyon at ang Erasto na tinutukoy ni Pablo.
Credit Line:
Todd Bolen/BiblePlaces.com; Courtesy of the Hellenic Ministry of Culture and Sports
Kaugnay na (mga) Teksto: