Silangan ng Jordan—Perea
Makikita sa larawang ito ang isang bahagi ng lugar na tinatawag na Perea. Makikita ang rehiyong ito sa silangan ng Ilog Jordan. Ang hilagang bahagi nito ay umaabot sa Pela, at ang timog na bahagi naman ay umaabot sa silangan ng Dagat na Patay. Hindi lumilitaw ang salitang “Perea” sa Bibliya. Pero nagmula ito sa salitang Griego na nangangahulugang “kabilang panig; kabilang ibayo.” Ilang ulit na ginamit ang salitang Griego na ito sa Bibliya, at minsan ay tumutukoy ito sa rehiyon ng Perea. (Mat 4:25; Mar 3:8) Ang mga galing sa Galilea ay dumadaan kung minsan sa Perea kapag papunta sila sa Jerusalem. Bago matapos ang ministeryo ni Jesus, nanatili siya nang ilang panahon sa Perea para magturo. (Luc 13:22) Pagkatapos, dumaan ulit si Jesus sa Perea nang papunta siya sa Jerusalem.—Mat 19:1; 20:17-19; Mar 10:1, 32, 46.
(1) Ilog Jordan
(2) Kapatagan sa silangan ng Ilog Jordan
(3) Mga bundok ng Gilead
Kaugnay na (mga) Teksto: