Lambong
Noong panahon ng Bibliya, kadalasan nang naglalambong ang mga babae sa publiko. Posibleng gumagamit sila ng belo o balabal bilang lambong. Pero nang payuhan ni apostol Pablo ang kongregasyon sa Corinto tungkol sa paglalambong, hindi lang niya basta tinutukoy ang kaugaliang ito. Sa patnubay ng banal na espiritu, isinulat niya na kailangang maglambong ng isang babae kung mananalangin siya sa publiko o manghuhula sa kongregasyon—mga pribilehiyong iniatas ng Diyos sa mga lalaki. (1Co 11:5) Kapag naglalambong ang isang Kristiyanong babae, ipinapakita niyang iginagalang niya ang kaayusan sa pagkaulo.—1Co 11:3.
Kaugnay na (mga) Teksto: