Binuhay-Muli ni Jesus si Lazaro
Inutusan ni Jesus ang patay na lalaki: “Lazaro, lumabas ka!” (Ju 11:43) Biglang nagising si Lazaro. Kahit balót siya ng tela, tumayo siya at lumakad. Hindi makapaniwala ang mga kapatid niyang sina Marta at Maria, pero totoo ang nakikita nila! Marami sa mga nakasaksi sa himalang ito ang nanampalataya kay Jesus. Makikita sa ulat na ito ang napakalaking pag-ibig ni Jesus, at patikim ito ng mas malalaki pang himala na gagawin ni Jesus sa bagong sanlibutan. (Ju 5:28) Ang pagbuhay-muli kay Lazaro ay mababasa lang sa Ebanghelyo ni Juan.
Kaugnay na (mga) Teksto: