Nangaral si Pablo sa Pamilihan sa Corinto
Ang sinaunang lunsod ng Corinto ay nasa isang makitid na ismo na nagdurugtong sa gitnang Gresya at sa Peloponnese sa timugang peninsula. Maraming tao ang dumadaan dito kapag naglalakbay sila sa lupa man o sa dagat. Marami ang nakatira sa lunsod na ito at iba-iba ang lahi at kultura nila. Nakibagay si Pablo sa lahat ng uri ng tao para marami ang maligtas. (1Co 9:22) Sa isang pangitain, sinabi ng Panginoon kay Pablo na maraming potensiyal na alagad sa Corinto, kaya nanatili doon ang apostol nang isa’t kalahating taon. (Gaw 18:1, 9-11) Makalipas ang ilang taon nang nasa Efeso si Pablo, nalaman niya na dumanas ng mabibigat na problema ang mga alagad sa Corinto. Itinuturing niya silang minamahal na mga anak, kaya pinayuhan at pinatibay niya sila sa pamamagitan ng liham, na kilalá ngayon bilang 1 Corinto.—1Co 4:14.
Kaugnay na (mga) Teksto: