Nangangaral sa Lansangan ang mga Kristiyano sa Efeso
Ang lansangang ito sa Efeso noon, na nagsisimula sa malaking teatro ng lunsod papunta sa abalang daungan nito, ay malawak at may mga kolonada. Ang Efeso ay sentro ng iba’t ibang kultura noon. Sa lansangang ito, maipapangaral ng mga Kristiyano ang “mabuting balita ng kapayapaan” sa lahat ng uri ng tao. (Efe 6:15) Pamilyar sa Efeso si apostol Pablo, ang manunulat ng liham sa mga taga-Efeso; nangaral siya doon nang mga tatlong taon. (Gaw 20:17, 18, 31) Dahil diyan, “narinig ng lahat ng naninirahan sa lalawigan ng Asia ang salita ng Panginoon, kapuwa ng mga Judio at Griego.” (Gaw 19:10) Nabuo sa mabungang teritoryong ito ang isang masulong na kongregasyon.—Gaw 19:20.
Kaugnay na (mga) Teksto: