Punong Olibo
Maraming punong olibo (Olea europaea) sa mga lugar kung saan nakatira ang mga Kristiyano noong unang siglo. Tumutubo ito kahit sa pangit o mabatong lupa. (Deu 8:8) Malalaki ang ugat nito kaya nakakapag-ipon ito ng tubig kahit tagtuyot. Mabagal ang paglaki ng mga punong olibo, at nabubuhay ang mga ito nang mahigit 1,000 taon. Mula berde, nagiging purpura o itim ang mga bunga nito kapag nahihinog, at hinahampas ng mga mang-aani ang mga sanga nito para malaglag ang hinog na mga olibo. Noong panahon ng Bibliya, napakahalaga ng mga punong olibo dahil ito ang pangunahing napagkukunan ng langis para sa pagkain. Ginagamit din ang langis ng olibo para sa balat, para sa lampara, at bilang gamot.—Lev 24:2; Luc 10:34.
Kaugnay na (mga) Teksto: