Nagpadala si Pablo ng Pagbati sa mga Kristiyano sa Tesalonica na Siya Mismo ang Sumulat
Pinipirmahan ni Pablo ang ikalawang liham niya sa mga taga-Tesalonica habang nakatingin sina Silvano at Timoteo. Lumilitaw na may ilang Kristiyano doon na nag-iisip na malapit na ang araw ni Jehova. Posibleng nakuha nila ang ideyang ito sa isang liham na nabasa ng kongregasyon sa Tesalonica, na diumano’y galing kay Pablo. (2Te 2:1, 2) Pero binabalaan ni Pablo ang mga kapatid na mali ang paniniwalang iyon. Para kumpirmahin na siya talaga ang awtor ng liham na ito, bumati si Pablo gamit ang sarili niyang sulat-kamay.
Kaugnay na (mga) Teksto: