Nakipagkita si Timoteo sa Kapuwa Niya Matatandang Lalaki sa Efeso
Nakatanggap ng liham si Timoteo mula kay apostol Pablo noong naglilingkod siya bilang matandang lalaki sa Efeso. (1Ti 1:3) Siguradong nakinabang nang husto si Timoteo at ang kapuwa niya matatandang lalaki sa liham na ito. Dito, binanggit ni Pablo ang mga kuwalipikasyon para makapaglingkod ang isang Kristiyano bilang matandang lalaki o ministeryal na lingkod sa kongregasyon. (Gaw 20:17, 28; 1Ti 3:1-10, 12, 13) Hinimok niya si Timoteo na “maging halimbawa” sa mga kapananampalataya niya at sumulong sa pangmadlang pagbabasa, pagpapayo, at pagtuturo. (1Ti 4:12, 13) Pinaalalahanan din ni Pablo si Timoteo na huwag pabayaan ang regalo, o atas, na ibinigay sa kaniya ng “lupon ng matatandang lalaki.”—1Ti 4:14.
Kaugnay na (mga) Teksto: