Pergamino—Kuwaderno at Balumbon
Ang pergamino ay ginagamit na sulatán noon, at gawa ito sa balat ng hayop, gaya ng tupa, kambing, o guya. Mas matibay ang pergamino kaysa papiro. (Tingnan sa Glosari, “Papiro.”) Makikita sa larawan (1) ang isang pergaminong pahina na mula pa noong ikalawang siglo C.E. Malamang na bahagi ito ng isang pergaminong kuwaderno na may mga pahinang pinagdikit-dikit, gaya ng pagkakagawa sa mga aklat ngayon. May mga balumbon (2) din noon na gawa sa pergamino. Pinagdurugtong-dugtong ang mga piraso nito para makabuo ng mahabang rolyo. Nang pakiusapan ni Pablo si Timoteo na dalhin ang “mga pergamino” (2Ti 4:13), posibleng ang tinutukoy niya ay ang mga balumbon ng Hebreong Kasulatan na gawa sa katad. O posibleng personal na mga nota niya sa pag-aaral ang gusto niyang makuha; ayon sa ilang iskolar, ang salitang Griego para sa “pergamino” ay puwede ring tumukoy sa pergaminong mga kuwaderno na pinagsusulatan ng personal na mga nota.
Credit Line:
© bpk/Ägyptisches Museum und Papyrussammlung, SMB
Kaugnay na (mga) Teksto: