Nagpunta si Tito sa Bawat Lunsod Para Humirang ng Matatandang Lalaki
Nagpunta si Tito sa bawat lunsod sa isla ng Creta para tuparin ang utos ni Pablo sa kaniya na ‘mag-atas ng matatandang lalaki.’ (Tit 1:5) Iniwan ni Pablo si Tito sa Creta para “maayos . . . ang mga bagay na kailangang ituwid” sa mga kongregasyong Kristiyano roon. Nang maglaon, sumulat si apostol Pablo kay Tito, lumilitaw na para makapagbigay siya ng tagubilin dito at maipahayag ang suporta sa atas nito may kinalaman sa mga kongregasyon sa Creta. Isa sa nilalaman ng liham ay ang listahan ng mga katangiang dapat makita ni Tito sa mga lalaking hinihirang bilang matatanda. (Tit 1:6-9) Mababasa rin sa liham ang payo tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng “angkop na pananalita,” ‘laging paggawa ng mabuti,’ at pakikitungo sa mga “lalaking rebelde” sa kongregasyon.—Tit 1:10, 11, 13, 14; 2:8; 3:14.
Kaugnay na (mga) Teksto: