Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • nwtstg
  • Pentateuch

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pentateuch
  • Glosari
  • Kaparehong Materyal
  • Pentateuch
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Aklat ng Bibliya Bilang 5—Deuteronomio
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Moises
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Moises—Kung Paano Ka Naaapektuhan ng Kaniyang Buhay
    Gumising!—2004
Iba Pa
Glosari
nwtstg

Pentateuch

Ang terminong ito ay mula sa salitang Griego (pentateukhos) na nangangahulugang “Limang Rolyo” o “Limang Tomo.” Tumutukoy ito sa unang limang aklat ng Bibliya—Genesis, Exodo, Levitico, Bilang, at Deuteronomio. Lahat ng ito ay isinulat ni Moises.

Saklaw ng ulat ng Pentateuch ang paglalang hanggang sa pagkakatatag ng bansang Israel at pag-aatas kay Josue bilang lider na papalit kay Moises. Karamihan ng mababasa rito ay tungkol sa mga kautusan at tuntunin ng Diyos para sa Israel at pagkasaserdote ng mga Levita. Dahil si Moises ang manunulat ng Pentateuch, tinatawag ito ng ibang manunulat ng Bibliya, pati na ni Jesu-Kristo, na “Kautusan ni Moises,” “aklat ni Moises,” o “Moises.” (Jos 8:31; Ezr 6:18; Luc 24:27) Tinatawag ito ng mga Judio na Torah, o Kautusan.

Ipinapaliwanag sa Pentateuch ang pinagmulan ng mga tao at ang dahilan ng pagiging makasalanan nila. Makikita sa mga kautusang mababasa rito ang pag-ibig ni Jehova sa bayan niya, dahil ginamit niya ang mga ito para akayin sila sa isa na mag-aalis ng kanilang mga kasalanan at ng mga epekto nito—si Jesu-Kristo.—Gal 3:24; Heb 10:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share