Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 8/22 p. 19
  • “Ang Pinakasukdulang-Husay na Makina”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ang Pinakasukdulang-Husay na Makina”
  • Gumising!—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Buto—Kamangha-mangha ang Tibay
    Gumising!—2010
  • Osteoporosis—Isang Tahimik na Sakit
    Gumising!—2010
  • Buto
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Pag-unawa sa Artritis
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 8/22 p. 19

“Ang Pinakasukdulang-Husay na Makina”

“Ang isang makina na tumatakbo sa maraming iba’t ibang gatong, naglalabas lamang ng magagamit-muli o mapaliliit pa na mga materyales, tumatanggap ng malawak na impormasyon, gumagawa ng kahanga-hangang mga gawa ng data processing, at nakalilikha ng maraming bagay ay maaaring siyang pinakasukdulang-husay na makina,” sulat ng Compressed Air Magazine. Ipinalalagay na ang pangungusap ay mula kay George Piotrowski ng University of Florida, ito’y nagpapatuloy: “Ang makinang ito ay ang katawan ng tao.”

Ang mungkahi na ibinigay ni Piotrowski ay na “ikinakapit ng mga inhinyero ang biyolohikal na mga simulain at mga pamamaraan na nasusumpungan sa katawan ng tao sa kanilang mga disenyo.” Mga leksiyon sa disenyo tungkol sa pagdadala ng bigat ay matututuhan mula sa katawan ng tao, na “binubuo ng kasiya-siyang mga kawing na idinisenyo na yari sa materyales na panlaban-pagod.” Ang lahat ng bahagi​—mga buto, kalamnan, litid, at kartilago​—ay sama-samang gumagawa upang palakasin ang buong katawan.

Ang mga tagapagdisenyo ng bulitas (bearing) ay maaaring matuto mula sa mga kasu-kasuan ng tao, na karaniwang hindi nasisira, gayunman ay nakakayanan ang isang pasan na tatlo o sampung ulit sa timbang ng katawan. Kaunting-kaunti ang nawawala dahilan sa pagkikiskisan, na sa ilang mga kasu-kasuan ay mas kaunti pa kaysa roon sa nasusumpungan kapag gumagamit ng Teflon. Ang “hungkag” na tubo sa buto ng tao ay isa ring kahanga-hangang halimbawa ng disenyo tungkol sa pagdadala ng bigat. Ang mga dulo ng mas mahahabang buto sa katawan ay yari sa buto na butas-butas na parang espongha at mas elastiko, sa gayo’y nilalabanan ang tinatawag na mga “impact injuries.” At ang igtingan na karaniwang nangyayari kapag pinagdurugtong ang dalawang di-magkatulad na mga bahagi ay binabawi sa katawan sa pamamagitan ng unti-unting pagbabago mula sa buto tungo sa mga litid kailanma’t ang mga ito ay pinagdurugtong.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share