Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 1/8 p. 24
  • Panibagong Pagpapakahulugan sa Pagkamagulang?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Panibagong Pagpapakahulugan sa Pagkamagulang?
  • Gumising!—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Kahaliling Pagka-Ina—Ito ba’y Para sa mga Kristiyano?
    Gumising!—1993
  • Ang mga Pagpipilian, ang mga Isyu
    Gumising!—2004
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Maraming Ipinanganganak sa Tulong ng Laboratoryo
    Gumising!—2004
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 1/8 p. 24

Panibagong Pagpapakahulugan sa Pagkamagulang?

MAAARI bang bigyan ng panibagong pagpapakahulugan ang pagkamagulang? Oo, sabi ng titulo sa isang artikulo sa The New York Times: “New Reproduction Techniques Redefine Parenthood.” (Binigyan ng Panibagong Kahulugan ng Bagong mga Pamamaraan sa Pag-aanak ang Pagkamagulang) Dati-rati isa lamang ang paraan upang magkaroon ng sanggol, subalit ang modernong teknolohiya ay nagdagdag ng iba’t ibang paraan na nagbangon ng nakababalisang mga problema.

Ano ang “bagong mga pamamaraan sa pag-aanak”? Ang limang binanggit ng pahayagan ay : (1) Artipisyal na paglalagay ng binhi sa babae (ng binhi ng asawang lalaki o ng isang nagkaloob). (2) Paglilipat ng bilíg (embryo). Kung ang babae ay hindi makagagawa ng mabubuhay na mga itlog, ang binhi ng lalaki ay maaaring ilagay sa ibang babae. Ang pertilisadong itlog ay saka maaaring alisin mula sa nagkaloob na babae at ikapit sa matrís ng asawang babae. (3) Sa vitro fertilization. Ang itlog ng babae ay inaalis at pinipertilisa ng binhi ng lalaki sa laboratoryo, at saka ikinakapit sa matrís ng babae. (4) Ang kahalili (surrogate) na ina. Kung ang asawang babae ay hindi makapagdadalang-tao, ang ibang babae ay maaaring artipisyal na lagyan ng binhi ng lalaki at magdalang-tao para sa kanila. (5) Iladong mga materyales. Ang binhi, itlog, at bilíg ay maaaring iilado na lahat at itabi para gamitin sa isa sa mga pamamaraan na ibinalangkas sa itaas.

Ang bagong mga pamamaraang ito ng pagkakaroon ng sanggol ay dinisenyo upang tulungan ang mga mag-asawa kung ang lalaki o ang babae ay baóg. Ang legal na mga problema na ibinangon ng gayong mga pamamaraan ay tinalakay sa isang komperensiya sa Cambridge, Massachusetts. Tinalakay ng komperensiya ang mga problema na gaya ng, Ano ang katayuang ng isang bilíg sa laboratoryo bago ito ikapit sa matrís? Ano ang dapat gawin sa iladong mga bilíg ng mag-asawa na gumawa nito kung sila kapuwa ay mamatay? Binanggit din na “walang batas [sa Estados Unidos] sa kasalukuyan na humahadlang sa pagbubukas ng ‘mga tindahan ng iladong bilíg,’ kung saan komersiyal na ipagbibili ang genetikong mga materyales.”

Ang kontrobersiyal na kaayusan ng kahaliling ina ay nagbangon ng totoong mahirap na mga suliranin. Ang kahaliling ina ba, na binayaran upang magsilang ng sanggol, ay nagbibili ng kaniyang sanggol? Kung hindi maibigan ng mag-asawa o ng kahaliling ina ang sanggol​—marahil dahilan sa ito ay ipinanganak na may kapansanan​—sino ang may pananagutan dito? Ano kung nais kupkupin ng kahaliling ina ang sanggol pagkatapos na ito’y isilang? Anong karapatan mayroon ang mag-asawa na nagsaayos nito?

Tunay na mahirap na mga problemang moral at legal ang bumabangon, gaya ng ulat ni Dr. George J. Annas, sa paglaganap sa ating panahon ng sekso nang hindi nag-aanak at gayundin ang pag-aanak nang walang sekso.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share