Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 2/22 p. 29-31
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nuklear na Alerdyi
  • Nagtatagal na mga Pag-aasawa
  • Umaawit na mga Makina
  • Mas Kaunting mga Atake sa Puso
  • Ang Suliranin sa Pag-inom ng mga Olandes
  • Sino ang Nakakakuha ng Pinakamabuting Marka?
  • Guniguning Paggamot sa Likod
  • Ekolohikal na mga Pighati ng Digmaan
  • Mapaminsalang mga Liriko
  • Polusyon sa Loob ng Bahay
  • Ang Pagkahumaling sa Pagtakbo ay Nanlalamig
  • Dinadalisay ang Hangin
  • Pagtawag sa Telepono sa Buong Daigdig
  • Pansawata sa Insekto​—Mura
  • Digmaang Nuklear—Sinu-sino ang mga Nagbabanta?
    Gumising!—2004
  • Ang Bantang Nuklear—Hindi Pa Tapos
    Gumising!—1999
  • Ang Problemang Nuklear
    Gumising!—1988
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Digmaang Nuklear?
    Iba Pang Paksa
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 2/22 p. 29-31

Pagmamasid sa Daigdig

Nuklear na Alerdyi

Ang patuloy na pagdami ng mga sandatang nuklear ay nagpapangyari ng “nuklear na alerdyi”​—isang antinuklear na reaksiyon ng maraming bansa na tumatangging ipahintulot ang mga sandatang nuklear sa kanilang mga hangganan o mga bansang sumusuporta sa pinag-ibayong mga pagsisikap na sawatain ang mga sandata. “Ang metapora ay, sa diwa, angkop,” sabi ng Bulletin of the Atomic Scientists, “mentras mas maraming pagkalantad sa allergen​—mga sandatang nuklear at nauugnay na mga teknolohiya​—mas malamang ang reaksiyon dito.” Sampung bansa na na dati’y tumanggap ng mga sandatang nuklear para sa Estados Unidos ay tumanggi nang gawin ang gayon. At ang ilan sa mga alyado ng Sobyet Rusya ay iniulat na tinanggihan ang pagkakaroon ng mga sandatang nuklear ng Sobyet sa kanilang lupain o nagsabi na hindi na nila tatanggapin ito. Sabi ng report: “Mula sa mga pagbabawal sa paglalagay ng mga sandata at mga pagdalaw sa daungan hanggang sa mga deklarasyon ng ‘nuclear freeze’ na mga sona, ang sistemang nuklear ay sinasalakay.”

Nagtatagal na mga Pag-aasawa

Ano ang gumagawa sa maraming pag-aasawa na nagtatagal? Ito’y ang pagturing sa kabiyak bilang ang pinakamatalik na kaibigan at ibigin siya bilang isang persona. Iyan ang pinakakaraniwang sagot na ibinigay ng 300 maligayang mga mag-asawa na 15 taon o higit pa na kasal. Sang-ayon sa Psychology Today, ang mga mag-asawa ay nagpakita ng “kahanga-hangang pagsang-ayon sa mga sekreto ng nagtatagal na kaugnayan.” Lubusan silang nagpapakita ng pagtitiis at pagpipigil sa isa’t isa sa halip na walang pigil na ibunton ang kanilang mga galit. Ang bawat isa ay handang magbigay ng higit kaysa sa kaniyang tinatanggap. At sa halip na panatilihin ang magkahiwalay na mga interes, sila ay gumugugol ng maraming panahon na magkasama at nakikibahagi sila na magkasama sa maraming gawain hangga’t maaari.

Umaawit na mga Makina

Isang turistang bayan sa Hapón ay nakaisip ng bagong paraan upang ihinto ang pagkakalat ng basyong lata ng softdrink. Una, ang mga tindahan na nagbibili ng de-latang inumin ay bumibili ng pantanging mga tatak o seal mula sa konsilyo ng bayan. Ang mga tatak na ito ay ikinakabit sa lata na ipinagbibili na may ekstrang halaga na ¥10 (4 cents, U.S.). Ang may markang mga makina na umaawit na paghuhulugan ng mga lata ay inilagay sa estratihikong mga lugar sa bayan. Kapag ang isang basyong lata na may nakadikit na tatak ay idiniposito sa makina, ang plaka na “mga tunog ng kagubatan” ay tutugtog at ang ¥10 ay isasauli. Ang basyong mga lata ay tinitipon ng mga kompanyang nagriresiklo nito na nagbabayad ng ¥3 (1.2 cents, U.S.) sa bawat lata sa mga distributor nito na, bibili naman ng higit na mga tatak, at ang siklo ay magsisimula na naman.

Mas Kaunting mga Atake sa Puso

“Sa nakalipas na 20 mga taon, ang dami ng namamatay dahilan sa sakit sa puso​—ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa​—ay patuloy na bumababa,” ulat ng University of California, Berkeley Wellness Letter. “Pagkatapos ng maraming taon ng pagsulong, ang bilang ay nagsimulang bumaba noong 1963, at noong 1982 ito ay bumaba ng 37%.” Upang alamin kung bakit, sinuri ng dalawang mananaliksik sa Boston ang pagiging mabisa ng limang paggagamot sa puso at ang kausuhan sa buong bansa na pagbabawas ng kolesterol at paninigarilyo. Ang mga tuklas? Ang limang paraan ng paggagamot na pinagsama ang dahilan ng 40 porsiyento ng pagbaba sa dami ng namamatay. Subalit ang pagbawas ng kolesterol ang dahilan ng 30 porsiyento ng pagbaba, at ang pagbawas ng paninigarilyo ang dahilan ng karagdagan pang 24 porsiyentong pagbaba. Ang hinuha ng report: “Ang pag-iingat, sa pamamagitan ng simpleng mga pagbabago sa istilo ng pamumuhay, ay mas mabisa upang bawasan ang kamatayan na dala ng sakit sa puso sa pangkalahatang populasyon kaysa nagawa ng masalimuot ng mga panlunas.”

Ang Suliranin sa Pag-inom ng mga Olandes

Ang larawan ng Netherlands bilang isang bansang umiinom ng gatas, kumakain ng keso ay maaaring nagbabago. Ang konsumo ng alkohol ay tatlong ibayo ang itinaas mula noong 1960. Ano ang may pananagutan sa pagsulong na ito? “Ang nakaliligaw na mga pag-aanunsiyo na nagmumungkahi na ang alkohol ay nakatutulong sa matagumpay at kaaya-ayang buhay” ay isa sa mga dahilan, hinuha ng isang pag-aaral ng gobyerno. Ang Department of Welfare, Health, and Culture ay nagsasabi na ang labis-labis na konsumo ng alkohol ay nagiging sanhi ng higit na mga aksidente sa trapiko, mas maraming pagliban sa trabaho, mas maraming karahasan, pambubugbog ng bata at asawa, at bandalismo.

Sino ang Nakakakuha ng Pinakamabuting Marka?

“Ang karamihan ng mga estudyante na nagsabing nakakuha ng karamihang A’s sa paaralan ay yaon ding mga estudyante na may pinakamataas na antas ng pangangasiwa ng mga magulang,” ulat ng Detroit Free Press, batay sa isang surbey ng 30,000 mga estudyante na nasa ikalawang taon sa mataas na paaralan sa ibayo ng bansa. Ang mga nakakuhang ito ng matataas na marka “ay malamang na nakikipag-usap sa kanilang mga magulang araw-araw, at ang kanilang mga magulang ay malamang na sumusubaybay sa kanilang mga ginagawa sa paaralan.” Ang dami ng mga aklat sa tahanan ay nasumpungan din na isang tagapagpahiwatig kung magiging gaano kahusay ang isang estudyante sa paaralan.

Guniguning Paggamot sa Likod

Ang ilang di kilala, palso pa nga na mga paggamot sa kirot sa likod ay kasimbisa ng pamantayang mga paggamot, hinuha ng mga doktor sa Guy’s Hospital sa London. Hinati ng mga doktor ang 109 na mga pasyente na may kirot sa gawing ibaba ng likod sa tatlong pangkat. Ang unang pangkat ay minasahe o binigyan ng spinal manipulation ng isang osteopath. Ang ikalawa ay binigyan ng pamantayang diathermy treatment (sa pamamagitan ng makinang naglalabas ng init). Ang huling pangkat ay ginamot sa pamamagitan ng hindi gumaganang diathermy na makina, na sinangkapan ng mga plaslait na naglalabas ng elektrikal na mga ingay. Kataka-taka, ang huling pangkat ang may pinakamataas na persentahe​—67 porsiyento​—ng mga pasyenteng nag-uulat ng kaunting kirot sa likod. Ito’y inihambing sa 59 porsiyento roon sa mga tumanggap ng tunay na diathermy na paggamot at 62 porsiyento niyaong mga tumanggap ng osteopathy. Maliwanag samakatuwid na ang mental na saloobin ng pasyente sa paggamot ay may kaugnayang sa pagiging mabisa ng panlunas.

Ekolohikal na mga Pighati ng Digmaan

Bukod sa ibinuwis na mga buhay ng tao at pagkalansag ng lipunan, ang tatlong dekada ng digmaan sa Vietnam ay nagbunton ng ekolohikal na pagkawasak, sang-ayon sa isang pag-aaral ng IUCN (International Union for Conservation of Nature and Natural Resources). Ang pagbomba, pagbuldosa, at ang pag-isprey ng mga herbisidyo ay nagkahalaga sa Vietnam ng 26 milyong kubiko yarda (20 milyon cu m) ng komersiyal na kahuyan at mahigit na 365,000 acre (148,000 ha) ng mga puno ng goma. Karagdagan pa, noong mga panahon ng digmaan, halos 37 milyong acre (15 milyong ha) ng kagubatan ang nawala, karamihan nang dahilan sa pagpapabaya. Sa ngayon ang kagubatan ay wala pang 23 porsiyento ng lupain, kung ihahambing sa 44 porsiyento noong 1943. Gayumpaman, “ang salapi na dapat ipuhunan sa agrikultural at industriyal na mga pag-unlad ay nagtutungo pa rin sa mga makinang pandigma,” sabi ni Dr. John MacKinnon, isang konsultant sa IUCN.

Mapaminsalang mga Liriko

“Ako’y nababahala tungkol sa maraming popular na mga awitin na maaari lamang tawaging porn rock, at tungkol sa masagwa, detalyado at walang bayad na seksuwalidad na lumalaganap sa mga himpapawid at pumapasok sa ating mga tahanan,” sulat ni Kandy Stroud sa Newsweek. Tinukoy ni Stroud ang ilan na nagsasabi ng mga halimbawa ng kahalayan, mga kalaswaan. Sabi ni Stroud: “Kataka-taka, ang karamihan ng mga magulang na nakausap ko ay nagpahayag ng bahagya o ganap na kawalang alam sa mga musika na ginagamit ng kanilang mga anak sa pagsasayaw, sa paggawa ng araling-bahay, at sa pagtulog.

Polusyon sa Loob ng Bahay

Ang antas na 11 pangkaraniwang mga tagapagdumi ng hangin ay mas mataas sa karaniwang tahanan kaysa sa paligid ng mga pagawaan na naglalabas ng mga tagapagduming ito, ulit ng EPA (Environmental Program Agency ng E.U.). Ang mga kemikal​—karaniwang masusumpungan sa mga produkto sa tahanan na gaya ng mga panlinis, mga materyales sa pagtatayo, at gasolina o mga usok ng sigarilyo​—ay naglalakip ng benzene, carbon tetrachloride, at chloroform. Ganito ang konklusyon sa isang buod ng pag-aaral: “Ang antas sa loob ng bahay ng lahat ng target na kemikal ay mas mataas kaysa sa antas sa labas ng bahay”​—sa ilang kaso ay 70 ulit na mas mataas. Ikinatatakot ng mga dalubhasa sa kapaligiran na maaaring gamitin ng pamahalaan ang mga resulta bilang isang dahilan upang walaing-bahala ang suliranin ng nakamamatay na mga kemikal sa hangin sa labas ng bahay.

Ang Pagkahumaling sa Pagtakbo ay Nanlalamig

“Sa teknikal na paraan, ang pagkahumaling sa pagtakbo sa diwa ng malaking taun-taon na pagdami ng mga lumalahok ay tapos na,” sabi ni Jennifer Young, ng National Running Data Center sa Tucson, Arizona. Ang bilang ng mga marathon ay bumaba ng ikalimang ibayo mula noong 1980, at ang mga lumalahok sa marathon ay bumaba ng 20,000. “Ang karamihan ng mga taong ito ay lumilipat sa mas maiikling mga distansiya,” susog pa ni George Hirsch, tagapaglathala ng magasing Runner. Isa pa, ang mga tumatakbong ito ay nagsasagawa ng iba pang mga uri ng ehersisyo. Ganito ang konklusyon ni Young: “Nababatid ng maraming tao na hindi mo kailangang tumakbo ng 50 hanggang 60 milya isang linggo upang maging malusog.”

Dinadalisay ang Hangin

Humigit-kumulang 35 porsiyento ng mga lalaking Amerikano ang naninigarilyo kung ihahambing sa 52 porsiyento 20 taon na nakalipas, sang-ayon sa National Center for Health Statistics. Gayundin, 29 porsiyento ng mga babaing Amerikano ang naninigarilyo, na bumaba mula sa peak na 34 porsiyento. Ang paninigarilyo ng mga tin-edyer ay bumababa rin. Sa isang surbey ng 16,000 mga high school senior sa klase noong 1984, 18.7 porsiyento lamang ang nasumpungan na naninigarilyo, kung ihahambing sa 28.8 porsiyento pitong taon ang nakalipas. Ang The Wall Street Journal ay nag-uulat ng isa pang tuklas: “Sa pangkalahatan, ang karaniwang maninigarilyo ngayon . . . ay malamang na magkaroon ng kaunting salapi, hindi gaanong nakapag-aral at nagtatrabaho sa hindi gaanong prestihiyosong trabaho kaysa sa isang karaniwang hindi naninigarilyo.”

Pagtawag sa Telepono sa Buong Daigdig

Ang paglalakad ng kalahating araw upang makatawag sa telepono ay maaaring magtinging isang napakahirap na kaabalahan, gayunman iyan ang sinisikap na gawin ng ITU (International Telecommunication Union), isang ahensiya ng United Nations, para sa karaniwang mamamayan sa mga bansa sa Third World sa loob ng dalawang dekada. Iyan ay kung ihahambing mo sa kasalukuyang isang linggong paglalakbay upang makatawag sa telepono. Pabor ang ITU sa mga sistemang satelayt kaysa sa mga linya sa lupa. Kapuna-puna, mayroong halos 600 milyong mga telepono sa kasalukuyan sa buong daigdig, subalit 75 porsiyento nito ang nasa siyam lamang na mas maunlad na mga bansa. Tatlong ikaapat ng populasyon ng daigdig ang nakatira sa mga bansa kung saan wala pang sampung telepono sa bawat 100 mga tao.

Pansawata sa Insekto​—Mura

Isang pangkat ng mga siyentipiko sa Zimbabwe ang nakasumpong ng isang murang paraan ng pagsawata sa kinatatakutang tsetse fly. Inilatag ng mga siyentipiko ang itim na tela na nilagyan ng pamatay-insektong pyrethrin sa ibabaw ng mga balangkas na metal at inilagay sa bukás na mga banga na naglalaman ng umaakit na mga kemikal sa ilalim ng balangkas. Apat na mga iskrin na may mga banga ang inilagay sa bawat kilometro kuwadrado (.4 sq mi) sa tabi ng isang pinamumugarang dako. “Sa loob lamang ng mga ilang linggo ang bilang ng mga tsetse fly ay bumaba ng hanggang 0.3 porsiyento sa orihinal na dami sa hangganan​—dakong labis na pinamumugaran​—at hanggang 0.1 porsiyento . . . sa interyor ng nasawatang dako,” ulat ng New Scientist. Gayundin, matagumpay na nasubok ng mga taganayon sa Burma ang isang matipid na paraan ng pagsawata sa mga lamok, na nangingitlog sa lokal na mga suplay ng tubig at nagkakalat ng dengue fever. Ang mga taganayon ay naglagay ng mga pares ng larvae ng tutubi sa 400 na mga dram ng tubig na pinamumugaran ng mga larvae ng lamok. Pagkaraan ng dalawang linggo nawala ang mga larvae ng lamok. Pagkaraan ng anim na linggo wala nang lamok sa dakong iyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share