Sumasali Ba Sila sa Lahat?
Gaano karelihiyoso ang mga Hapones? Hindi iyan madaling sagutin. Gayunman, nililinaw ng mga estadistika na inihanda ng Cultural Agency ng gobyerno ang isang bagay: Ang pangmalas ng Hapon sa relihiyon ay kakaiba sa pangmalas sa Kanluran. Ganito ang ipinakikita ng sumusunod na data:
Mga Shintoista ․․․․․․․․․․․․․․․ 117.0 milyon
Mga Budhista ․․․․․․․․․․․․․․․․ 87.0 milyon
Nag-aangking mga Kristiyano ․․․․ 1.5 milyon
Iba pang mga relihiyon ․․․․․․․․ 15.0 milyon
Kabuuan 220.5 milyon
Gayunman, ang populasyon ng Hapon ay 120 milyon lamang!