Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 12/8 p. 3
  • Bakit Dapat Pakasal?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Dapat Pakasal?
  • Gumising!—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Pagsasama Nang Hindi Kasal o Pagpapakasal?
    Gumising!—1986
  • Kasal o “Live-In”—Alin?
    Gumising!—1992
  • Siya’y Hindi Napakatanda Upang Maglingkod kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pag-aasawa?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 12/8 p. 3

Bakit Dapat Pakasal?

Ang pagsasama nang hindi kasal ay lubusang tinatanggap sa maraming lugar, subalit ito ba ay nagbubunga ng higit na kaligayahan kaysa pagpapakasal? Isinasaalang-alang ng kabalitaan ng “Gumising!” sa Sweden ang bagay na ito sa sumusunod na tatlong artikulo.

SINA Jan at Anna ay nagkakilala sa isang klab. Agad silang nagkagustuhan sa isa’t isa. Kabubukod lamang ni Anna sa kaniyang mga magulang at namumuhay na mag-isa. Si Jan naman ay namumuhay kasama ng isa pang kabataang lalaki sa kaniyang tirahan. Isang gabi, pagkatapos nilang magkakilala, inihatid ni Jan si Anna sa kaniyang apartment. Humantong ito sa pagpapalipas niya ng gabi roon. Kinabukasan dinala niya ang kaniyang gitara at sipilyo at muling nagpalipas ng gabi roon. Unti-unting inilipat niya ang lahat ng mga gamit niya sa apartment ni Anna, at nagsimula na silang magsama. Inaakala nina Jan at Anna na hindi na kinakailangan pang pakasal.

Katulad nina Jan at Anna, angaw-angaw na mga lalaki’t babae ng lahat ng edad ang nagsasama nang hindi nagpapakasal. Ang kanilang katuwiran: Bakit dapat pakasal? Maaari naman kaming magsamang mas mahusay nang walang legal na nagbubuklod na piraso ng papel​—isang lisensiya sa pag-aasawa.

Sa katunayan, sa maraming lugar ang pagsasama nang hindi kasal ay lubusang tinatanggap at normal. Sa Sweden, halimbawa, ang bilang ng pagpapakasal ay bumaba ng halos 40 porsiyento sa nakalipas na dalawang dekada. Sa nakalipas na dalawampung taon, humigit-kumulang isang bata sa walo sa bansang iyon ang ipinanganak sa isang inang hindi kasal. Ngayon ang bilang ay nasa pagitan ng isa sa tatlo at isa sa dalawa. Ganito ang sabi ng mananaliksik na si J. Trost ng Uppsala University, ng Sweden: “Sa nalalaman namin ito ang pinakamataas na bilang ng mga batang ipinanganganak sa labas ng pag-aasawa na kailanman ay nakilala sa isang industrialisadong lipunan.”

Sa Denmark, ang pagsasama nang hindi kasal ay kumakatawan sa pamantayang yunit ng sambahayan para sa mga lalaki’t babae na nag-aaral sa kolehiyo, sang-ayon sa International Herald Tribune. Ang gayong di-kasal na mga lalaki’t babae ang dahilan ng mahigit sa isa sa bawat tatlong pagsisilang doon. “Halos lahat ng nakikilala namin ay hindi kasal,” sabi ng isang 31-anyos na lalaking Danes. “Ang lahat ay pumasok sa tinatawag naming pag-aasawang walang kasamyento.”

Ang gayong mga pag-aasawang walang kasamyento ay dumarami rin sa ibang mga bansa. Halimbawa, sang-ayon sa mga bilang kamakailan na ipinalabas ng Kawanihan ng Sensus ng Estados Unidos, mga dalawang milyong hindi kasal na mga lalaki’t babae sa Estados Unidos ang nagsasama, tatlong ulit ang kahigitan sa bilang noong 1970.

Bakit karaniwang pinipili ng isang lalaki at isang babae ang pagsasama nang hindi kasal? Ang pag-aasawa ba na walang kasamyento ay kasimbuti o mas mabuti pa nga kaysa legal na pag-aasawa?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share