Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 1/22 p. 3-5
  • Ang Panghalina ng Okulto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Panghalina ng Okulto
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Dahilan sa Pagkahalina
  • Lumalagong Popularidad
  • Bakit Dapat Kong Iwasan ang Okulto?
    Gumising!—1990
  • Pagiging Interesado sa Okulto—Ano ang Masama Rito?
    Gumising!—2002
  • Bakit Gustung-gusto ng mga Tao ang Okultismo?
    Gumising!—2011
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2011
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 1/22 p. 3-5

Ang Panghalina ng Okulto

NAKAPANGINGILABOT, mahiwaga, nakatatakot​—ito ang mga salita na ginagamit ng maraming tao upang ilarawan ang okulto. Ang salita ay literal na nangangahulugang “natatago,” “natatakpan,” “nakukubli.” Ipinaliliwanag ng Webster’s Third New International Dictionary ang okulto na: “Isang bagay na mahiwaga o sobrenatural.”

Kaya kabilang sa okultismo ang mga karanasan at mga pangyayari na hindi maipaliwanag sa normal na paraan. Ang paranormal, na binibigyan-kahulugan bilang “di-pangkaraniwang pangyayari na hindi maipaliwanag ng siyensiya,” ay isa pang katawagan na karaniwang ginagamit kapag pinag-uusapan ang okulto.

Simula noong 1930’s, si Dr. Joseph Banks Rhine ay nanguna sa mga pag-aaral tungkol sa mga hiwaga ng okultismo at ipinakilala ang terminong “extrasensory perception” (ESP). Inihula niya na, “habang ang kaliwanagan ng siyentipikong pananaliksik ay kumakalat sa madilim na mga panig kung saan nagkukubli pa rin ang hiwaga,” ang okultismo ay lilipas. “Kung paanong ang okultong mga gawain ng astrolohiya ay nagbigay-daan sa siyensiya ng astronomiya, ang okultong alchemy ay nauwi sa siyentipikong kímika, ang salamangkang panggagamot ay hinalinhan ng mahusay na medisina,” sabi niya, “kaya darating ang panahon na hahalinhan ng mas maaasahang pundasyon ang natitirang mga sistema ng okulto.”

Gayunman, kahit na pagkatapos ng malawakang mga pag-aaral sa okultismo, hindi pa rin nalutas ang mga hiwaga. At ang panghalina, sa halip na maglaho, ay lumalago.

Mga Dahilan sa Pagkahalina

Kunin halimbawa ang kaso ni Gng. Rosemary Brown. Bilang isang bata, siya ay tumanggap ng kaunting pagsasanay sa musika. Hindi siya lubhang interesado sa musika. Pagkatapos, sa pagkakaedad siya ay nakagawa ng mga komposisyon sa musika na sinasabi niyang idinikta sa kaniya nina Beethoven, Brahms, at Schubert. Inilalarawan ang imbestigasyon sa kaniyang kaso, ang The New Encyclopædia Britannica, ng 1977, Macropædia, ay nag-uulat:

“Nang ang mga ito [mga komposisyon sa musika] ay ipakita sa kilalang mga dalubhasa sila ay sumang-ayon na kung ang mga komposisyong ito ay nasumpungan sa ilang pinabayaang atik ang mga ito ay masasabing tunay; bawat isa ay hindi lamang komposisyon sa musika na pinili mula sa iba’t ibang mga gawa kundi tunay na kapahayagan ng kilalang damdamin at personalidad ng maykatha ng musika. Sa wari kahit na ang mga dalubhasa na lubhang sinanay sa musika ay hindi madaling makagagawa (kung makagagawa man) ng komposisyon na ganito kagaling; nakalilito kung paanong ang isang karaniwang nagtatrabahong babae na may kaunting pagsasanay sa musika ay nagawa ang gayon, lalo na siya ay hindi kailanman tinuruan ng tungkol sa komposisyon.”

Para sa marami, ang gayong mga karanasan ay kahali-halina. Paano ba ito nangyari? Ganito ang sabi ng The New Encyclopædia Britannica: “Ang ideya ng mga multo ng mga musikerong Aleman na ito na humahanay upang idikta ang kanilang pinakabagong mga komposisyon sa babaing ito sa Ingles ay hindi nakakaakit.” Gayunman ganito ang sabi ng ensayklopedia: “Ang mga katotohanan ay hindi mapag-aalinlanganan; walang makukuhang paliwanag. Kung gayon, ang kuwento ay kahawig ng marami pang iba.”

Isaalang-alang din ang ulat mula sa Flixborough, South Humberside, Inglatera. Isang malaking pagsabog sa isang planta ng kímika ang naganap noong ika-4:53 n.h. noong Hunyo 1, 1974. Halos limang oras na mas maaga isang kabataang babae na nakatira mga 25 milya (40 km) ang layo ay nagsabi na nakita niya sa balita sa telebisyon, ang ulat ng pagsabog at gayundin ng kamatayan at pinsala ng mga manggagawa sa planta. Bago alas 2:00 n.h. nang araw na iyon, binanggit niya ito sa dalawa pang tao na dumalaw sa kaniya. Pagkatapos, kinagabihan ibinalita sa TV ang pangyayari, inuulat ang panahon ng pagsabog na sa dakong huli ng hapon. Lahat ng mga kompaniya ng TV na nagbubrodkast sa dakong iyon ay pinasinungalingan ang paghahatid ng gayong balita na mas maaga.

Ikaw ba, pati na ang marami pang iba, ay nahahalina sa gayong mga karanasan?

Nariyan din ang isang “laro” na maaaring magtinging isang hindi nakasasamang libangan. Ito ay nilalaro sa kung ano ang tinatawag na isang Ouija board. Bagaman may sarisaring tabla, karaniwan nang ito’y isang parihaba na 24 por 18 pulgada (61 por 46 cm) at isang-ikaapat ng isang pulgada (0.6 cm) ang kapal. Nakasulat dito ang mga titik ng abakada, isang hanay ng mga bilang mula 1 hanggang 9 at 0, ang salitang “Yes,” at ang salitang “No.” Ang pinakamahalagang bahagi ay ang maliit, hugis-puso na tagaturo na tumuturo sa bawat letra upang baybayin ang mensahe.

Inilalagay ng mga manlalaro ang tabla sa kanilang kandungan at ipinapatong ang kanilang mga daliri sa hugis-puso na tagaturo. Pagkatapos magtatanong sila at maghihintay ng kasagutan. Talaga bang gumagana ito? Marami ang nagsasabi na ito ay gumagana. “Kung minsan ang sagot ay kataka-takang tama,” sulat ng kolumnistang si George R. Plagenz. “Sinasabi pa ngang ang Ouija board ay humula ng mga pangyayari na naganap nang dakong huli.”

Ang laro ay nakahahalina sa angaw-angaw. Sa katunayan, mga ilang taon na ang nakalipas ito ay tinawag na “ang pinakapopular na laro sa E.U.​—mas popular pa sa Monopoly.”

Lumalagong Popularidad

“Ang okulto, ang sobrenatural at ang paranormal ay malaking negosyo,” sabi ng U.S.News & World Report, “at ang mga tao mula sa lahat ng antas ng buhay ay nagbabayad ng malaking halaga upang sumangguni sa mga bumabasa, tumitingin ng mga pangitain at iba pang mga taong nagsasabing nagkakaroon ng mga pangitain.”

Kabilang sa gayong mga taong nagkakaroon ng mga pangitain ay ang mga astrologo, mga psychic, mga espiritista, at iba pa sa 600,000 nagsasagawa ng okulto sa Estados Unidos, na sumisingil ng kabayaran na hanggang $300 para sa kanilang payo. Angaw-angaw na mga dolyar ang ginagastos din sa mga magasin, aklat, tape, at mga pelikula na may kaugnayan sa okultismo.

Gayundin ang kalagayan sa Britaniya. Ang mga tindahan na nagtutustos sa pamamagitan ng pidido-sa-koreo ng mga aklat at mga bagay na ginagamit sa mga gawaing okulto ay dumaranas ng malakas na negosyo. Isa sa nangungunang suplayer ng Britaniya ang iniulat na tinutugunan ang “daan-daang pidido sa bawat linggo at mayroong 20,000 regular na mga parokyano sa kaniyang talaan.”

“Limang taon na ang nakalipas,” ulat ng Guardian ng London ng Marso 6, 1985, “inaakalang may 60,000 mga mangkukulam sa Britaniya: ngayon ang bilang ay tinataya ng ilang mga mangkukulam na dumami tungo sa 80,000.”

Oo, ang Kanluraning daigdig ay dumaranas ng kung ano ang tinatawag ng The World Book Encyclopedia na “isang malaganap na muling pagbuhay sa okultismo.”

Bagaman ang okulto ay nakahahalina sa marami, ano ba ang isinisiwalat ng masusing pagsusuri nito? May mga panganib bang nasasangkot? Kung gayon, ano ang mga ito?

[Larawan sa pahina 4]

Ang pagbibili ng mga bagay na may kaugnayan sa okulto ay isang lumalagong negosyo

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share