Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 2/8 p. 12-13
  • Ang “Karapatang Mamatay”—Kaninong Pasiya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang “Karapatang Mamatay”—Kaninong Pasiya?
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit ang Suliranin?
  • Kung Ano ang Sinasabi ng Bibliya
  • Sino ang Nagpapasiya?
  • Aliwin ang mga May Taning Na ang Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Mga Ospital—Kung Ikaw ay Isang Pasyente
    Gumising!—1991
  • Makukuha ang Pinakamahusay na Tulong!
    Gumising!—1991
  • Anong Panggagamot sa mga May Taning Na ang Buhay?
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 2/8 p. 12-13

Ang Pangmalas ng Bibliya

Ang “Karapatang Mamatay”​—Kaninong Pasiya?

‘HUWAG ninyo akong panatilihing buháy na parang gulay!’ sabi ng 88-anyos na si Clara sa kaniyang higaan sa ospital. Pagkatapos papagmalayin-tao tatlong beses sa isang linggo, nais na lamang niyang wakasan ang kaniyang buhay na mapayapa. Gayundin kung tungkol sa maraming mga pasyente na may taning na ang buhay; sila ay nagmamakaawang mamatay. Para sa mga doktor at mga hukom ito ay isang suliraning pinagtatalunan​—para sa mga kamag-anak ito ay isang masakit na pagpili. Subalit kanino bang pasiya ito?

Bakit ang Suliranin?

Kung minsan, sang-ayon sa aklat na Awareness of Dying, may “walang-saysay na pagpapahaba sa buhay sa loob ng pagamutan sa pamamagitan ng teknolohiya ng medisina.” Kapag ang napipintong kamatayan ay maaaring iantala ng pambihirang mga pamamaraan sa medisina, bumabangon ang mga problema tungkol sa karapatang mamatay na may dignidad. Ang mga pasyente ba ay maaaring pumili ng kung anong uri ng kamatayan​—masakit o mapayapang kamatayan? Gaya ng ipinaliliwanag ng The New Encyclopædia Britannica: “Ang malawakang pinag-uusapang moral na suliranin ay inihaharap ng pasyente na artipisyal na pinananatiling buháy sa pamamagitan ng isang makina. Ang problema kung gayon ay kung maaari bang patayin ang makina.” Ganito ang tanong ng isang seruhano mula sa isang malaking medical center sa E.U.: “Ang pagpapahinto ba sa respirator (aparato na tumutulong sa paghinga) ay masasabing sadyang pagpatay? Mayroon bang anumang moral o etikal na kaibahan sa hindi pagpapaandar sa respirator, kung ihahambing sa pagpapahinto nito minsang ito’y mapaandar?”

Ang problema ay lumalaki sapagkat walang iisang pagpapakahulugan ng mga termino na gaya ng “buháy” at “patay,” at walang garantiya ng mga batayan na gaya ng “wala nang lunas,” “sakit na may taning ang buhay,” o “naghihingalo.” Ang “pambihira” rito ay na ito ay pabagu-bago ayon sa lugar, panahon, at mga kakayahan ng espesyalista. At maaaring bumangon ang pagtatalo sa pagitan ng mga interes ng mga pasyente, mga kamag-anak, at mga kawani sa medisina. Isa pa, sa isang workshop tungkol sa etika sa medisina na isinagawa noong 1982 ng The College of Medicine, University of Lagos, Nigeria, inamin ni Dr. Oladapo Ashiru na “ang kabatiran tungkol sa kamatayan ay mahirap pag-aralan sa makatuwirang paraan.”

Hinahamon ng mga suliraning ito ang budhi ng mga doktor na nakadarama na sila’y obligadong sundin ang moral, etikal, at relihiyosong mga paniniwala. Si Dr. Ashiru ay naghinuha: “Hindi mabilang na dami ng atensiyon, paggalang, medikal na paghatol at pagpipigil gayundin ng katatagan ang kinakailangan sa pakikitungo sa bawat kalagayan.”

Kung Ano ang Sinasabi ng Bibliya

Ang buhay ay isang sagradong kaloob mula sa ating Maylikha. (Awit 36:9) Dapat itong mahalagahin. Bilang paggalang sa pangmalas ng Diyos sa buhay, bilang paggalang sa sekular na batas, at upang magkaroon ng isang mabuting budhi, hindi kailanman sasadyain ng isang Kristiyano ang kamatayan ng sinuman.​—Exodo 20:13; Roma 13:1, 5.

Inaamin ng mga doktor na “ang masidhing mga pagsisikap upang panatilihin ang buhay ay maaari, sa katunayan, maging pagpapatagal sa kamatayan, sa halip na pagpapatagal sa buhay.” Kaya, ano kung sabihin ng mga doktor na ang pinakamabuting magagawa nila ay ang patagalin o iantala ang kamatayan sa pamamagitan ng mekanikal na mga aparato? Kung ang kamatayan ay maliwanag na namiminto o hindi maiiwasan, hindi hinihiling ng Bibliya na artipisyal na patagalin ang paraan. Ang pagpapahintulot sa kamatayan na mangyari sa ilalim ng gayong mga kalagayan ay hindi lumalabag sa anumang utos ng Diyos.

Makabubuting pag-isipan ng isang Kristiyano ang mga ulat na ito sa Bibliya: Kapuwa si Job at si Hezekias ay waring may taning na ang buhay, subalit sila ay gumaling. (Job 7:5, 6; 42:16; 2 Hari 20:1-11) Samakatuwid, huwag maging napakabilis na maghinuha na ang isa ay naghihingalo. Gayunman, ang kinalabasan sa kaso ni Ben-Hadad ay kakaiba. (2 Hari 8:7-15) Ang tagadala ng sandata ni Saul ay tumanggi sa kahilingan ng hari na tulungan siyang ‘mamatay na may karangalan,’ at hinatulan ni David na may sala sa dugo ang isang tao na nagsabing gumawa ng ‘pagpatay dahil sa awa’ (mercy killing) na iyon. (1 Samuel 31:4; 2 Samuel 1:6-16) Kaya, hindi sinasang-ayunan ng Bibliya ang pagpapadali sa kamatayan.

Ipinakikita ng mga halimbawang ito ang pangangailangan na maging maingat sa pakikitungo sa mga kaso ngayon. Bawat isa ay may kani-kaniyang sariling kakatuwaan at dapat na may lakip panalanging pagpasiyahan taglay ang paggalang sa pangmalas ng Diyos sa kahalagahan ng buhay. Dito man din, taglay natin ang mahusay na halimbawa ni Rebeca, na, nang nababalisa tungkol sa kaniyang buhay, “ay yumaong nagsisiyasat kay Jehova.”​—Genesis 25:22.

Sino ang Nagpapasiya?

Ang karaniwang tanong ay: ‘Anuman ang mangyari, kaninong buhay ba ito?’ Ang pasiya ay pangunahin nang sa pasyente sapagkat siya ang katiwala sa kaloob na buhay sa kaniya ng Maylikha. (Gawa 17:28) Gayunman, kung ang isang pasyente ay mawalan ng kakayahan, ang pinakamalapit na kamag-anak o isang hinirang na ahente ang maaaring magsilbi bilang kahalili sa paggawa ng pasiya. Sa alinmang kaso dapat igalang at panindigan ng kahalili ang karapatan ng pasyente, hindi ang sa kaniyang karapatan. Sa gayunding paraan, sa kaso ng mga anak na minor de edad, ang mga magulang ang may bigay-Diyos na tungkulin at legal na karapatan na magpasiya para sa kanilang mga anak.​—Awit 127:3.

Sa kabilang dako, gaya ng binabanggit sa Columbia Law Review, “malaganap na kinikilala na ang isang silid sa hukuman ay hindi siyang wastong dako sa paggawa ng mga pagpili sa paggagamot. . . . Ang mga hukuman ay walang karapatang akuin ang bahagi ng kahaliling tagagawa ng disisyon.” Kung tungkol sa manggagamot, hindi ba magiging hindi ayon sa etika na ipilit niya ang kaniyang sariling relihiyosong mga paniniwala sa pasyente? Dapat siyang kumilos ayon sa mga atas ng relihiyon ng pasyente o umurong o umalis sa kaso kung ang kaniyang mga paniniwalang relihiyoso ay nagkakaroon ng malubhang pagbabaka ng budhi. Kadalasan na ang pinakamabuting paraan ay ang paglapit dito bilang isang koponan o pangkat, kasama ang manggagamot, ministro, at ang pamilya na nakikipagtulungan sa pasyente para sa isang pasiya sa kaniyang pinakamabuting kapakanan.

Anuman ang kalabasan ng pasiya, ang mga Kristiyano ay maaaring umasa sa pangako ng Maylikha tungkol sa isang panahon kapag walang sinuman ang magsasabing, “Ako’y may sakit.” (Isaias 33:24) Para sa mga may taning ang buhay, nariyan ang kahanga-hangang pangako ng Diyos tungkol sa isang pagkabuhay-muli sa isang paraiso ng kalusugan at buhay sa ilalim ng Kaharian ng Diyos. (Gawa 24:15; Apocalipsis 21:1-4) Ang panahong iyan ay malapit na kapag, sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, ipagkakaloob ng Diyos na Jehova sa masunuring mga tao ang karapatang mabuhay, nang walang hanggan!​—Juan 3:36.

[Larawan sa pahina 13]

Ano ang pinatatagal​—ang buhay o ang kamatayan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share