Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 6/8 p. 31
  • Kapag “Nagsalita” ang mga Puno

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapag “Nagsalita” ang mga Puno
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Hiniya ng Isang Kudu ang mga Leon
    Gumising!—1993
  • Makipagkilala sa Mailap na Kudu
    Gumising!—1991
  • Naaalaala Pa ng Kudu na Ito
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 6/8 p. 31

Kapag “Nagsalita” ang mga Puno

ANG antelope sa Aprika na tinatawag na kudu, na may magandang paikid na mga sungay, ay isang maringal-tingnan na hayop. Kaya ang mga nagtataguyod sa pangangalaga ng likas na yaman ay nangamba nang maraming kudu ang namatay dahil sa gutom sa maliliit na reserbadong lupa sa Timog Aprika. Ang mga kamatayan ay waring hindi maipaliwanag, yamang ang mga reserbadong lupa ay sagana sa mga punungkahoy na makukutkot ng mga hayop. Gayunman, pagkatapos ng maraming imbestigasyon, isang kataka-takang paliwanag ang lumitaw: Ang mga puno ay “nagsasalitaan” sa isa’t isa!

Kalokohan? Bueno, ganito ang ulat ng South African Panorama: “Ang mga punungkahoy ay may lihim na sandata laban sa kudu at iba pang mangangain ng dahon . . . Kapag isang kudu ang nanginginain sa isang puno, ang mga dahon ay napasisiglang gumawa ng isang anyo ng tannin na kilala bilang Tannin K.” Hindi gaanong natutunaw ng mga kudu ang mga dahon na ito at di-magtatagal ay hihinto sila ng pagkain. “Ngunit hindi ba sila maaaring basta lumipat sa ibang punungkahoy?” tanong mo. Dito pumapasok ang ‘pag-uusap’ ng mga puno.

Sabi ni Propesor van Hoven sa magasing Custos na “napatunayan kamakailan na kapag ang mga dahon ng halaman ay nasaktan, naglalabas ito ng halimuyak sa himpapawid na sensitibo rito ang iba pang halaman na gayon din ang uri.” Sa katunayan, binabalaan ng mga punungkahoy ang kanilang mga kalapit-puno na naroroon ang gutóm na mga manginginain. At paano tumutugon ang mga kalapit-puno na ito? Sa paggawa ng nakapipinsalang tannin sa kanilang mga dahon. Tutal, nakataya ang kanilang buhay! “Ang mga halaman na wala ng kakayahang ito na ipagsanggalang ang kanilang sarili . . . ay tiyak na malilipol sa paglipas ng panahon,” palagay ni Propesor van Hoven. Kaya sa maikling panahon pagkatapos manginain ang isang kudu, isa-isang punungkahoy ang maaaring ‘nagsasara’ ng panustos nitong pagkain. Sa katunayan, waring kumukuha ng ilang araw bago ang mga dahon ng isang napinsalang puno ay magbalik sa normal.

Ang likas na pananggalang na mekanismo ng mga punungkahoy ay isang tunay na problema kapag ang mga kudu ay inilalagay sa maliliit na mga reserbadong lupa. Agad napansin ng mga mananaliksik na ang dami ng namamatay na mga kudu sa maliliit na mga reserbadong lupa ay anim na beses na mas mataas kaysa mga kudu na nasa malalaking reserbadong lupa. Bakit? Sobrang pag-iimbak ng mga kudu. Sabi ni Propesor van Hoven: “Ang payo namin sa mga maghahayupan . . . ay huwag maglalagay ng mahigit sa tatlo hanggang apat na kudu sa bawat 100 ektarya . . . kung kukulungin ang higit pang mga kudu, makabubuting paglaanan ito ng mga suplementong pagkain sa taglamig.”

Mangyari pa, kakailanganing ulitin ang mga tuklas ng laboratoryo sa ilalim ng likas na mga kalagayan bago matiyak kung gaano karami at sa anong lawak talagang “nagsasalita” ang mga puno. Gayumpaman, kahit na ang mga panimulang resulta ay tumuturo sa disenyo sa nabubuhay na nilalang at ang kasindak-sindak na talino ng Diyos na gumawa ng lahat ng ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share