Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 8/8 p. 25-27
  • Paggamit sa Iyong Ulo—Sa Paraang Aprikano!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paggamit sa Iyong Ulo—Sa Paraang Aprikano!
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kaya Mo bang Magsunong?
  • Isang Praktikal, Kapaki-pakinabang na Kasanayan
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Ulo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • “Ang Ulo ng Bawat Lalaki ay ang Kristo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Ano ang Ibig Sabihin ng Pagkaulo sa Kongregasyon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 8/8 p. 25-27

Paggamit sa Iyong Ulo​—Sa Paraang Aprikano!

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Sierra Leone

ANO ang dinadala ng mga tao sa kanilang ulo? Kung itatanong mo iyan sa ilang mga batang mag-aaral, sa ilang bahagi ng daigdig sila ay maaaring sumagot: “Ang kanilang mga sombrero.” At malamang na wala na silang maidaragdag pa sa talaan.

Gayunman, kapag itinanong natin iyan sa ilang mga kabataang Aprikano, sila’y tutugon: “Sinusunong ng mga tao ang mga timba ng tubig, mga saging, mga aklat, mga sako ng asin, panggatong, mga set ng telebisyon, isda, mga supot ng semento, mga sako ng bigas, mga refrigerator, mga basket ng gulay, bato, malalaking kahon ng inuming de bote . . . ” Ang kanilang talaan ay napakahaba.

Sa buong kontinente ng Aprika, ang pagsusunong ng mga pasan ay pangkaraniwan. Ginagawa na ito sa loob ng mahabang panahon. Ipinagbibigay-alam sa atin ng Bibliya na noon pa mang kaarawan ni Jose, sinusunong ng mga panaderong Ehipsiyo ang tinapay. Iyan ay mahigit 3,700 taon na ang nakalipas!​—Genesis 40:16, 17.

Kaya Mo bang Magsunong?

Napagmasdan mo na ba ang mga tao na bihasa sa pagsusunong? Para sa kanila ito ay walang pinagkaiba sa pagdala mo ng isang bagay sa iyong kamay.

Subalit subukan mo ito. Halimbawa, maglagay ka ng aklat sa iyong ulo at sikapin mong lumakad. (Maaari naming imungkahi ang isang aklat na hindi mo panghihinayangan ito man ay mahulog.) Kung ikaw ay isang baguhan, malamang na ikaw ay kikilos nang mabagal, may katigasan, maingat na maingat, upang huwag mong maiwala ang iyong pagkakatimbang. Isang hakbang . . . dalawa . . . Dali! Saluhin mo ang aklat bago pa ito lumagpak sa lupa!

“Subalit,” baka sabihin mo, “hindi naman sapád ang ulo ko. Paano mo naman maaasahang matimbang ko ang isang patag na aklat sa isang bilugang ulo?” Ang isang sagot ay: Magsanay ka! Ang isa pang sagot ay: Gumamit ka ng kata o sunungan. Ang sunungan ay isang tela o dahon ng palma na itinutupi at ipinipilipit upang mag-anyong isang bilog. Inilalagay ito sa pagitan ng pasan at ng ulo upang magsilbing kutson at maging timbang ang matitigas na pasan, gaya ng kahoy. Para sa mas malambot na mga bagay, gaya ng isang sako ng arina, bihirang kailanganin pa ang isang sunungan sapagkat ang supot ay naaayos o pumapanatag sa ulo.

Sa gumamit ka man o hindi ng sunungan, mahalaga na isunong mo sa gitna ang mga bagay. Ginugunita ni Edward, isang taga-Sierra Leone, ang kaniyang mga kabataan: “Nang una akong magsimulang magsunong, sunung-sunong ko ang kahoy na ang aking ulo’y nakapaling. Mientras bumibigat ang mga pasan, sumasakit ang aking leeg sa bigat. Subalit ang tunay na problema ay dumating nang magsunong ako ng timba ng tubig. Yamang hindi mo matimbang nang wasto ang tubig malibang diretso ang iyong ulo, ang tubig ay liligwak, at mababasa ang aking damit. Kinaiinisan ko iyon. Ang pagkakabasa, higit sa anumang bagay, ang nagpangyari sa akin na tumayo nang diretso.”

Gayunman, higit pa sa basta sining ang maginhawa at paglalagay sa gitna ng bagay na isinusunong. Ang isang bihasang tagasunong ay mapananatili ang mga bagay-bagay sa kanilang dako sa kaniyang ulo sa pamamagitan ng marami, bahagyang mga pagkilos ng kaniyang leeg. Ito’y katulad ng pagtimbang ng isang tuwid na patpat sa iyong daliri. Hindi mo basta inilalagay iyon doon at aasahan mong ito’y hindi mahuhulog. Bagkus, dapat ay madalas mong binabago ang posisyon ng iyong daliri upang pakibagayan ang pagkilos ng patpat. At kung paanong mas madaling timbangin ang isang mas mabigat na patpat kaysa isang magaan na patpat, gayundin na ang mabigat na pasan ay kadalasang mas madaling timbangin sa ulo.

Karamihan ng mga Aprikano ay natututuhan ang kasanayang ito ng pagsusunong na maaga sa buhay sa pagtulad sa nakatatandang mga bata at mga may edad na. Si Emmanual ay isa-at-kalahating taóng gulang at hindi pa gaanong matatag tumayo. Nang siya ay bigyan ng isang maliit na lata ng tubig upang isunong, isinunong niya ito na hawak ng dalawang kamay. Ito ay dumausdos, at tumapon ang ibang tubig, subalit maliwanag na nakuha niya ang ideya. Kapag siya ay singko anyos na, hindi na liligwak ang tubig. Sa gulang na pito siya ay magiging eksperto na.

Isang Praktikal, Kapaki-pakinabang na Kasanayan

Hindi lamang ito isang naiibang paraan ng pagdala ng mga bagay, ang pagsusunong ay isang praktikal na kasanayan para sa buhay Aprikano. Ang The Cambridge Encyclopedia of Africa ay nagsasabi: “Ang mga kargador na tao . . . ang tiyak na siya pa ring pangunahing paraan ng pagdadala ng mga paninda sa lokal na antas sa Aprika.” At para roon sa mga sanay rito, ang mga pasan ay walang kahirap-hirap na isinusunong.

Ganito ang sabi ng isang naglalakbay na tagapangasiwa ng mga Saksi ni Jehova: “Karamihan ng mga bayan at mga nayon na dinadalaw ko ay maaaring marating sa pamamagitan ng sasakyan, subalit ang ilan ay hindi nararating ng sasakyan. Ang mga ito ay nararating lamang sa pamamagitan ng bagon. Karaniwan na, sinusundo ako ng mga Saksi roon at tinutulungan ako sa pagdadala ng aking mga bag, at ang pinakamaginhawang paraan ng pagdadala ay ang pagsusunong nito. Sa ibang mga pagkakataon, samantalang ako’y naglalakbay na mag-isa, binibitbit ko ang isang bag sa isang kamay at ang isa ay isinusukbit ko sa aking balikat sa kabilang kamay, subalit ang pinakamalaking bag ay isinusunong ko.”

Bukod sa pagdadala ng mga bagay-bagay na mas maginhawa, ang pagsusunong ng mga bagay ay nag-iiwan sa iyong mga kamay na malaya. Maaari ka pa ngang liliman nito mula sa araw o isilong mula sa ulan.

Idagdag mo pa rito ang pisikal na mga pakinabang na ito: magandang bikas, pagkakatimbang, at lakas. Ang aklat na Tropical Surgery ay nagsasabi: “Ang mga tagaprobinsiya [sa tropiko], na kadalasa’y sanay na sanay na maglakad na may sunung-sunong na pasan, ay mayroong mahusay na mga kalamnan sa likod at mabuting tindig. Bihira silang dumanas ng sakit sa likod dala ng pagkapuwersa.”

Maliwanag, ang pagsusunong ay hindi isang kasanayan na dapat maliitin. Isang binata sa Freetown ay nagmamarali: “Mailalagay ko ang isang botelya sa aking ulo at tumakbo nang hindi ko ito hinahawakan.” Ang pagtakbo niya na sunung-sunong ang botelya ay nagpatunay sa pagiging totoo ng kaniyang mga salita. Subalit malibang ikaw ay isang eksperto, huwag mong subukin ito!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share