Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 9/8 p. 31
  • Mga Kanaryo Bilang mga Tagapagmanman ng Gas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Kanaryo Bilang mga Tagapagmanman ng Gas
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Carbon Monoxide—Ang Tahimik na Mamamatay-Tao
    Gumising!—2000
  • Kapag Namatay ang mga Kanaryo
    Gumising!—1991
  • Natural Gas—Enerhiya Para sa mga Tahanan
    Gumising!—2010
  • Labanan “ang Espiritu ng Sanlibutan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 9/8 p. 31

Mga Kanaryo Bilang mga Tagapagmanman ng Gas

MARAMING mga minero ng karbón ang namatay sa pagkalason dahil sa carbon monoxide sa panahon ng pagkakasunog sa ilalim ng lupa pagkaraan ng mga pagsabog. Isang maaasahang tagapagmanman ng nakamamatay na gas na ito ang kinakailangan. Ang maliliit na mga kinapal na gaya ng mga ibon at daga ay mas sensitibo sa pagkalason sa carbon monoxide kaysa sa mga tao. Kapag ang kapaligiran ay nagkaroon ng carbon monoxide, sila ay mas mabilis na hinihimatay kaysa mga tao, sa gayo’y nagbibigay ng sapat na babala ng panganib.

Noong 1911 isang batas ang ipinatupad sa Britaniya na umuobliga sa bawat minero ng karbón na magkaroon ng dalawang maya o daga na maaaring dalhin sa ilalim ng lupa ng mga tagasagip kung magkaroon ng sunog. Subalit ang mga daga kung minsan ay nakakatulog sa sahig ng kanilang kulungan, at hindi masabi ng minero kung baga ang hayop ay natutulog lamang o hinimatay dahil sa nakamamatay na gas. Ang mga maya, sa kabilang dako, ay nananatili sa kanilang hapunán kahit na natutulog. Subalit kapag ang mga ito ay nadaig ng nakalalasong gas, sila ay nahuhulog mula sa kanilang hapunán, nagbibigay ng kinakailangang babala sa minero. Ang isang maliit na botelya ng oksiheno ay maaaring ingatan upang magkamalay na muli ang hinimatay na ibon.

Ang kalakip na larawan ay nagpapakita sa mga ibon na ginamit sa Sengheydd, Wales, noong mga 1913, pagkatapos na ang isang pagsabog at sunog ay sumawi ng 440 mga lalaki.

Sa maraming minahan ngayon, gayunman, ang mga maya at mga kanaryo ay hinalinhan ng kemikal at elektronikong mga aparato, at ang ilang mga minero ay pinahihintulutang maglaan ng bagong mga tirahan para sa hindi ginagamit sa trabaho na mga ibon. Mga pares ng mga kanaryo o mga maya ay iniingatan pa rin sa ilang mga minahang Britano para sa gamit bilang tagapagmanman ng gas.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share