Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 9/22 p. 13-15
  • Ang Iglesya Katolika ng India—Saan Ito Patungo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Iglesya Katolika ng India—Saan Ito Patungo?
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang ‘Kombersiyon’ ba ang Layunin?
  • Isang Iglesyang Hindu-Katoliko?
  • Saan Patungo ang Simbahan?
  • Dinalaw ni Papa John Paul ang Naliligalig na Kawan
    Gumising!—1988
  • Ang Pagdalaw ng Papa sa Mexico—Tutulong ba Ito sa Simbahan?
    Gumising!—1990
  • Ang Iglesya—Mga Pagbabago at Kalituhan
    Gumising!—1993
  • Ang Iglesya Katolika sa Aprika
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 9/22 p. 13-15

Ang Iglesya Katolika ng India​—Saan Ito Patungo?

Ng kabalitaan ng Gumising! sa India

Ito’y kumakatawan sa isang maliit na minoridad ng mamamayan. Kadalasang ito’y ipinalalagay na isang banyagang panghihimasok at minamatyagan nang may paghihinala ng nakararami, na kaanib sa mga paniniwala na itinuturing na katutubo sa lupain ng India. Subalit ang Iglesya Katolika ng India ay walang alinlangang may matatag na katayuan sa subkontinente at nagnanais na manatiling matatag ang pagkakatanim dito. Ano ang ginagawa ng simbahan upang abutin ang tunguhing ito? Magtagumpay kaya ito? Sa maikli, saan patungo ang simbahan?

ANG Iglesya Katolika ay maaaring hindi siyang pinakamahalagang relihiyon ng India​—ang halos 14 milyong membro nito rito ay wala pang 2 porsiyento ng mamamayan ng bansa. Gayunman, ang halaga ng Iglesya Katolika ng India sa Katolisismo ng daigdig ay itinampok, noong Pebrero 1986, nang si Papa John Paul II ay magsagawa ng sampung-araw na pagdalaw sa India. Ang kaniyang 14-lunsod na paglalakbay ay naglakip ng pagdalaw sa estado ng Kerala, kung saan masusumpungan ang pinakamaraming Katoliko sa India.

Ang Kerala ay nagniningning na gaya ng isang hiyas sa mga mata ng simbahan. Ito ang luklukan ng kapangyarihang Katoliko sa India, at ang simbahan ang isa sa pinakamalaking organisadong institusyon sa estado. Ang Kerala ang siya ring inaakalang tahanan ng Kristiyanismo sa bansa. Sang-ayon sa popular na tradisyon, si Tomas​—isa sa 12 apostol ni Jesu-Kristo​—ay nagpunta sa Baybayin ng Malabar sa Kerala pagkamatay ng Mesiyas.

Gayunman, noon lamang mga 14 na dantaon pagkatapos na ang Iglesya Katolika Romana ay dumating sa India. Ang Portuges na mga manggagalugad at mga misyonero na sumunod sa kanila ang nagdala sa simbahang Romano sa Goa, dating kolonyang Portuges sa kanlurang baybayin ng India. Mula roon, ang mga mananampalataya ay nagtungo patimog sa Kerala.

Ang Iglesya Katolika ay malaon nang umiiral na parang isang kabalintunaan sa paningin ng mga tao roon. Bagaman pinupuri ng marami ang simbahan sa edukasyonal, panlipunan, at medikal na mga paglilingkod nito sa buong bansa, hinahamak nila ang nakikita nilang tunay na layunin sa likuran ng pagkanaroroon ng simbahan​—ang paggawa ng mga kombertido.

Ang ‘Kombersiyon’ ba ang Layunin?

Nang ang pundamentalistang mga organisasyong Hindu ay magbabala na ang pagkanaroroon ng papa ay hihimok mismo ng lansakang kombersiyon sa Kristiyanismo, ginawa ng simbahan ang lahat ng magagawa nito upang ilayo ang sarili at ang kaisipan na nais nitong kombertihin ang mga taga-India. “Hindi kinakailangang matakot ang sinuman,” sabi ng presidente ng Komperensiya ng mga Obispong Katoliko sa India. “Ang Santo Papa ay hindi naparirito upang magkomberte ng mga tao.” Mas mariin pa nga ang pahayag ng isang arsobispong taga-India: “Mahigpit na sinasalansang ng Iglesya Katolika ang pagkomberte. Ito’y isang panghihimasok sa relihiyosong kalayaan. Aming tinutuligsa ito, hinahatulan ito.”

Kumusta naman ang papa mismo? “Kinikilala ng Iglesya Katolika ang mga katotohanan na nasa mga tradisyon ng relihiyon ng India at ang pagkilalang ito ay nagpapangyaring magkaroon ng dialogue o salitaan,” sabi niya sa mga nakikinig na kumakatawan sa Hinduismo, Zoroastrianismo, Budhismo, Jainismo, Sikhismo, Judaismo, Islam, at iba na nag-aangking kabilang sa Kristiyanismo. Sa isa pang pagkakataon, ipinahayag niya ang pagiging kaisang-isip sa iba pang mga paniniwala, na sinasabi: “Ipinahahayag namin ang aming pagkakaisa sa aming mga kapatid na Hindu at Muslim at sa mga tagasunod ng iba pang relihiyosong mga tradisyon.”

Ang sinasabing pagkakaisa na ito ay ipinakita hindi lamang sa mga salita. Noong panahon ng pagdalaw ng papa, siya ay sinabitan ng kuwintas na bulaklak ng isang pari sa bantog na Templo ni Kali sa Kalighat ng Calcutta.a Noong isang panahon naman, tinanggap niya ang vibhuti, o sagradong abo, sa kaniyang noo mula sa isang paring Hindu at nagsuot ng isang ponnadai (balabal) na Muslim na may mga simbolo ng pananampalatayang Islam.

Sa kabila ng lahat ng ito, nang ang papa ay nagpapahayag sa mga obispong taga-India, binalangkas niya ang “paghahayag ng Ebanghelyo” bilang isa sa susing usapin o isyu na nakakaapekto sa kalagayan ng simbahan sa India. Subalit anong uri ng ebanghelyo ang nasa isipan ng papa? Hindi kataka-taka, idiniin niya na ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay dapat na isagawa sa pamamagitan ng mga programa para sa katarungang panlipunan at pagpapabuti ng kabuhayan.

Binanggit ng papa na “ang misyon ng Simbahan tungkol sa pag-eebanghelyo ay naglalakip ng masigasig at alalay na aksiyon para sa katarungan, kapayapaan, at mahalagang pag-unlad ng tao. Ang hindi pagbalikat ng tungkuling ito ay pagtatakwil sa gawaing pag-eebanghelyo; ito’y nangangahulugan ng hindi paniniwala sa halimbawa ni Jesus.”

“Lahat ng nagpaunlad sa dignidad at kapayapaan ng kanilang mga kapatid na lalaki at babae ay mapapalad sa paningin ni Kristo,” sabi ng papa. Sa gayon angkop na binanggit ng pahayagan sa India: “Walang sinuman​—kahit na ang pinakakonserbatibo at sang-ayon sa status quo na membro ng herarkiya ng simbahan​—ang ngayo’y nagsasalita tungkol sa pangangaral ng mabuting balita sa makitid, literal na diwa ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo bilang isang relihiyon.”

Isang Iglesyang Hindu-Katoliko?

Sa pagsisikap na gawing hindi gaanong banyaga at mas taga-India ang Katolisismo, itinaguyod ng simbahan ang isang programa ng pag-aangkop sa pagsamba nito. Kaya, ang ilang mga paring Katoliko ay babasa ng mga panalangin samantalang nakaupo sa sahig na parang isang ashram na Hindu, maaaring gamitin niya ang Vedic mantras na kahalili ng Kanluraning mga himno, at sindihan ang Hindung Nilavilakku (tansong mga ilawang langis) sa harap ng maraming mga seremonya.

“Ang ideya,” sang-ayon sa isang Katolikong lego, “ay upang makilala ang pansansinukob na mga elemento sa Hinduismo at iba pang mga relihiyon at ilakip ang mga simbolo at mga ritwal na nauugnay sa mga pagsambang ito, upang punan at tangkilikin ito.” Ang relihiyosong mga ritwal at mga paraan ng pagsamba sa mga simbahan ng Kerala ay tiyak na isang pinaghalong mga tradisyong Katoliko at mga kaugaliang Hindu.

Saan Patungo ang Simbahan?

Samantalang nasa India, ang papa, tinutukoy ang mga turo ni Mohandas Gandhi, ay nagmungkahi na “ang mga lider ng lahat ng bayan ay dapat na maniwala at kumilos ayon sa paniniwala na ang lunas sa mga suliranin ng daigdig ay nasa puso ng tao.” Hinimok din niya ang mga kabataan na “sundin ang mga turo ng dakilang mga taong pantas noong una na ang mga salita ay nasa ‘pampalagiang karunungan at katotohanan’ at na magbibigay sa kanila ng inspirasyon na magmartsa tungo sa buhay.”

Anong laki ng pagkakaiba ng lahat ng ito sa itinuro ni Jesu-Kristo! Ang pangunahing tema ng kaniyang turo ay ang dumarating na Kaharian ng Diyos, isang pandaigdig na pamahalaan na lubusang mag-aalis sa kahirapan, kawalan ng katarungan sa lipunan, at mga sakit. (Mateo 9:35) Itinatampok ng buong Bibliya ang Kahariang ito bilang ang tanging lunas sa mga suliranin ng tao. Si Jesus ay nagpakita rin ng lubos na pagtitiwala sa pangako ng Diyos nang sabihin niya sa panalangin, “Ang salita mo’y katotohanan.” (Juan 17:17) At hinimok niya ang kaniyang mga tagasunod: “Patuloy, kung gayon, na hanapin muna ang kaharian at ang kaniyang katuwiran.”​—Mateo 6:33.

Kumusta naman ang tungkol sa pakikipagtulungan sa iba pang mga pananampalataya? Ang Bibliya ay malinaw na nagbababala sa tunay na mga mananampalataya: “Huwag kayong makipamatok nang kabilan sa mga di-sumasampalataya. Sapagkat anong pakikisama mayroon ang katuwiran sa kalikuan?”​—2 Corinto 6:14; Deuteronomio 12:30, 31.

Kaya, kung gayon, samantalang ang Iglesya Katolika sa India ay nagtutungo sa kung ano sa wari’y isang positibong direksiyon​—at isa na kukuha ng posisyon niya rito​—ito sa katunayan ay lumalayo sa katotohanan ng Bibliya. Gayunman, habang ginagawa niya ito, parami nang paraming tao ang tinatawagan na kilalanin ang pagkakaiba sa pagitan ng mga turo ni Jesus at ng mga turo ng Iglesya Katolika. Sa anong paraan?

Sa kasalukuyan, mahigit na 7,000 mga Saksi ni Jehova sa buong India ang nagkakaisang-isip na itinataguyod ang katotohanan ng Bibliya. Nais nilang tulungan ang mga interesado na pahalagahan ang pangako ng Diyos tungkol sa walang wakas na kapayapaan sa ilalim ng kaniyang pamamahala sa Kaharian. At di-gaya ng Iglesya Katolika o ng iba pang mga relihiyon, hindi sila nakikibahagi sa mga digmaan ng mga bansa o sa mga alitang pampulitika. (Isaias 2:2-4) Kung nais mong malaman kung bakit ang mga Saksi ay kakaiba at kung paano sila nakakaayon sa Bibliya, sumulat at tanungin ang mga tagapaglathala ng babasahing ito.

[Talababa]

a Si Kali ay isang Hindung diyosa ng pagkawasak.

[Mga larawan sa pahina 15]

Ang larawan ni Jesu-Kristo na nakaupo sa posisyong yoga ng mga Hindu. Nakasulat sa ibaba ang ‘om’ na mantra, at sa ibaba nito, ay ang bituin ni David

Ang larawan ni Maria na nakadamit ng sari na may tilak (tuldok) sa kaniyang noo

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share