Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 11/8 p. 17
  • Mga Tip Para sa Inyong Cassette Tapes

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tip Para sa Inyong Cassette Tapes
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Idagdag ang mga Aklat ni Moises sa Inyong Cassette Library
    Gumising!—1985
  • Idagdag ang mga Aklat ni Moises sa Inyong Cassette Library
    Gumising!—1985
  • Idagdag ang mga Aklat ni Moises sa Inyong Cassette Library
    Gumising!—1986
  • ‘Hindi Lamang sa Tinapay Nabubuhay ang Tao’
    Gumising!—1986
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 11/8 p. 17

Mga Tip Para sa Inyong Cassette Tapes

PININDOT mo ang buton, naupo ka, at ikaw ay handang maaliw. Subalit walang anu-ano, ang malinaw, magandang tunog ay bumilis at matining na humaginit. Lumukso ka, subalit huli na ang lahat. Ang cassette tape na nagbibigay sa iyo ng kasiyahan ay nagkabuhul-buhol na ngayon. Sira na ang iyong rekording.

Ang mga pangyayaring tulad nito ay malimit mangyari, ngunit mayroon kang magagawa upang maiwasan ang mga ito. Kasabay nito, pangyayarihin nito na masiyahan ka sa iyong mga rekording. Narito ang ilan sa mga tip para sa inyong cassette tapes:

◼ Itago ang inyong mga cassette sa kanila mismong mga kahon o album. Hindi ito papasukin ng alikabok at i-lock ang mga reel ng cassette upang hindi lumuwag ang tape. Binabawasan nito ang panganib na masabit ang tape sa mekanismo ng rekorder.

◼ Huwag na huwag iwan ang mga cassette na malapit sa pinagmumulan ng init o sa araw, gaya sa pasimano sa harapan ng salamin sa likod ng inyong kotse.

◼ Huwag iwan ang inyong mga cassette na malapit sa isang laudispiker, sa ibabaw ng telebisyon, malapit sa telepono, o katabi ng iba pang mga bagay na may magnetic field. Ang mga ito ay maaaring bahagya o lubusang mabura.

◼ Regular na linisin ang magnetic heads, pinch rollers, capstan, at lahat ng metalikong mga bahagi sa dinaraanan ng tape. Karaniwang madali mong maabot ang mga bahaging ito sa pamamagitan ng pagbubukas sa tape compartment. Maliban kung iba ang sinasabi ng instruksiyon sa manwal, maaari mong gawin ang paglilinis na ito sa pamamagitan ng binilot na bulak at isoprophyl na alkohol. Iwasan na diinan ang mga magnetic head, yamang ang kanilang posisyon ay maingat na naiayos na. Mangyari pa, huwag kang mag-iiwan ng anumang bulak sa makina.

◼ Ang isang demagnetizer (tagapag-alis ng magnetismo) ay napakahusay sa pag-aalis ng kumapit na magnetismo na nakasisira sa pagtakbo ng rekorder. Subalit tiyakin na hindi nakakabit sa kuryente ang tape at ilagay ang mga cassette na malayo sa landas ng demagnetizer. At ingatang huwag mabunggo o magasgas ang magnetic heads. Upang maging mas madali ang trabaho, marami kang mabibiling ready-made na mga cassette sa paglilinis at pag-aalis ng magnetismo.

Kung ang mga pamamaraang ito sa mantensiyon ay tila napakasalimuot sa iyo, patulong ka sa iba. Ang mga cassette tape at rekorder ay napakapangkaraniwan sa ngayon anupa’t hindi mahirap humanap ng isang kaibigan na maaaring ipakita sa iyo kung ano ang gagawin. Subalit tandaan, ang regular na paglilinis at pag-aalis ng magnetismo sa iyong kasangkapan at wastong pagtatago ng iyong mga cassette ay magpapangyari sa iyo na masiyahan sa iyong mga rekording sa loob ng mahabang panahon.

Sa kasalukuyan, ang Samahang Watchtower ay gumagawa ng halos 500,000 cassettes buwan-buwan. Kabilang dito ang mga rekording tungkol sa mga aklat ng Bibliya, mga drama na may mga tema sa Bibliya, at isinaayos na musika ng mga awit na ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig. Ang makabagong paraang ito ng komunikasyon ay may mahalagang bahagi sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng Kaharian sa buong daigdig.​—Mateo 24:14.

[Mga larawan sa pahina 17]

Paglilinis at pag-aalis ng magnetismo: dalawang madaling paraan upang lubos na masiyahan sa inyong mga cassette

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share