Bagong mga Panganib ng AIDS?
Marahil 10 hanggang 20 milyon katao sa buong daigdig ngayon ang nagdadala ng virus ng AIDS. Sa lalawigan ng Canadian na British Columbia, tinatayang 10,000 hanggang 20,000 ang nahawaan, at ang awtoridad sa kalusugan ay nababahala sa pagkalat pa ng impeksiyon. Kaya ang Ministri ng Kalusugan ng B.C. ay naghanda kamakailan ng isang brosyur na nagbibigay, gaya ng sabi nito, “ng pinakahuling makatotohanang impormasyon tungkol sa AIDS.
Inuulit ng brosyur ang madalas-marinig na mga babala laban sa seksuwal na pakikipagtalik sa mga mayroon nito at sa paggamit ng iniksiyon na ginamit ng isang taong may AIDS. Gayunman, ipinaliliwanag din nito na yamang ang virus ay nasa dugo, nariyan din ang natatanging panganib mula sa iba pang kagamitang itinutusok sa balat. Halimbawa, binabanggit ng brosyur ang paggamit ng mga kagamitang ginamit sa pagbutas ng tainga, sa pagtatato, at sa acupuncture bilang posibleng mga paraan ng pagkahawa. “Mapanganib ding gamitin ang labaha o sipilyo ng isang taong may AIDS,” susog pa ng brosyur.