Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 3/8 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Matamis na Mesquite
  • AIDS
  • Tibay ng Loob Upang Harapin ang Kapansanan
  • Pagtulong sa mga May AIDS
    Gumising!—1994
  • Sino ang Nasa Panganib?
    Gumising!—1986
  • AIDS—Kung ano ang Dapat Malaman ng mga Magulang at ng mga Anak
    Gumising!—1991
  • Kung Paano Iiwasan ang AIDS
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 3/8 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Matamis na Mesquite

Kung hindi dahil sa “Ang Mesquite . . . ” (Hulyo 22, 1988), tiyak na hindi ko napansin ito sa lokal na tindahan at tiyak na hindi ko sana natikman ang katakam-takam na pagkaing ito. Ako’y sumasang-ayon na ang pulot-pukyutan na galing sa mesquite ay totoong suwabe gayunma’y napakasarap. Anong laki ng pasasalamat ko sa ating Maylikha sa kahanga-hangang halaman na ito at sa sarisaring bagay na ibinigay niya sa atin! Maraming salamat.

S. B., Pederal na Republika ng Alemanya

AIDS

Bilang isang manggagamot, ako’y sumasang-ayon sa mga pangungusap sa inyong magasin tungkol sa AIDS (Oktubre 8, 1988). Ako ang nagtatag ng Blood-Free Surgical and Medical Center. Yamang kami ay nagbibigay ng paglilingkod na talagang walang panganib ng AIDS, ang mga artikulong ito ay kapaki-pakinabang sa akin, sa aking mga tauhan, at sa aking mga pasyente. Pakisuyong padalhan ninyo ako ng isang daang magasin, yamang nais kong tumanggap ng tig-isang kopya ang lahat ng aking mga kasama.

F. G., Medical Director ng O.R.,Estados Unidos

Isa lamang card ng pasasalamat​—para sa lubhang siyentipikong mga artikulo tungkol sa AIDS sa isang Gumising! na nasumpungan ko sa kalye, maputik at marumi. Wala pa akong nakuhang gayon karaming impormasyon tungkol sa AIDS at sa lawak nito mula sa sinuman noon. Kamakailan lamang ay tumanggap ako ng dalawang pagsasalin ng dugo at inaasahan ko na wala akong “natutulog” na AIDS saanman sa mga himaymay o sa mga selula.

G. T., Estados Unidos

Ang artikulo sabihin pa ay kawili-wili (at iyan ay sa kabila ng napakaraming napakinggan/nabasa tungkol sa paksang ito). Gayunman mayroon akong isang komento. Ang hinuha ay ginawa na kung tatanggapin natin “ang pamantayan ng Maylikha para sa paggawi ng tao,” tayo’y malilibre sa virus ng AIDS. Gayunman, sa isang balita, binabanggit na sa lugar na matao at ang dami ng taong nagdadala ng virus ng AIDS ay sapat, ang AIDS na dala-ng-lamok ay “posible.” Kaya, maaaring HINDI makatuwiran sa ilang indibiduwal na umasang manatiling malaya sa sakit na palasak sa lipunan ng tao sa paligid nila. Sa katapusan, ang tanging paraan upang lubusang maging ligtas mula sa AIDS ay na dapat tanggapin at mamuhay ang LAHAT sa “mga pamantayan ng Maylikha.”

D. B. S., Estados Unidos

Sang-ayon kami kay D.B.S. Hindi namin nilayon na ipahiwatig na ang mga pamantayan ng Maylikha ay lubusang maglilibre sa isa mula sa AIDS ngayon. Sinasabi namin na ang gayong paggawi ang pinakamabuting paraan upang maiwasan ito.​—ED.

Tibay ng Loob Upang Harapin ang Kapansanan

Ang aking ama ay nakikipagbaka sa sakit na Parkinson’s Disease sa loob ng 20 taon. Ang “Pamumuhay na May Sakit na Parkinson’s Disease” (Enero 8, 1988) ay nagbigay ng malaking pampatibay-loob. Ang kaniyang kakayahang lumakad ay humihina. Ginagawa niya ang mga bagay na para bang nagmamadaling pasulong, una ang ulo, tungo sa dingding na salamin. Mga ilang buwan ang nakalipas, nagkaroon siya ng negatibong saloobin sa buhay, subalit ang ulat sa Gumising! ay nagbigay sa kaniya ng tibay-loob na kailangan niya.

T. N., Hapón

Nang mabasa ko “Ang Katawan​—Kagila-gilalas ang Pagkakagawa . . . ” (Hunyo 8, 1988), kailangang pasalamatan ko kayo. Ako’y may kapansanan sa aking kanang kamay at paa dahil sa cerebral infantile paralysis, at hinayaan ko ang aking sarili na magmukmok dito at gamitin itong dahilan upang manlumo. Mangyari pa, nakadarama ko ng pagkaasiwa kung minsan, subalit mula ngayon, sa halip na hayaan ko ang aking sarili na manlumo, nais kong baguhin ang aking paraan ng pag-iisip at magpasalamat sa Isa na lumikha sa akin.

T. T., Hapón

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share