Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 3/22 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Maria
  • Kilusan ng Kababaihan
  • Kung Ano ang Matututuhan Natin sa Halimbawa ni Maria
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • “Narito! Ang Aliping Babae ni Jehova!”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • “Narito! Ang Aliping Babae ni Jehova!”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Bumuo Siya ng “mga Palagay sa Kaniyang Puso”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 3/22 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Maria

Sa aking palagay, ang inyong artikulo tungkol kay Maria, noong Nobyembre 8, 1988, ay isang pagsisikap upang ilarawan ang mga Katoliko bilang mga mananamba sa diyus-diyusan. Binanggit nito ang mga Katoliko bilang “mga mananamba” kay Maria. Hayaan ninyong ituwid ko ang mga bagay-bagay. Ako’y naging Katoliko sa loob ng 35 taon, gayunma’y wala akong nakikilalang Katoliko na “sumasamba” kay Maria. Marami sa amin ang nananalangin sa Diyos sa pamamagitan ni Maria. Hindi namin siya itinuturing na Diyos o inihahambing siya sa Diyos.

G.A. H., Estados Unidos

Ang “The Catholic Encyclopedia” (1912, Tomo 15, pahina 463) ay nagsasabi: “Na ang popular na debosyon sa Pinagpalang Birhen ay karaniwang isinasagawa [noong edad medya] taglay ang luho at pagpapakalabis, ay imposibleng ikaila.” Ang pagdalaw ngayon sa mga dako sa maraming lupaing Katoliko ay magpapatunay kay G. A. H. na ang gayong kalabisan ay nagpapatuloy.​—ED.

Huwag kayong humatol upang huwag kayong hatulan. Kung labis-labis na sinasamba ng mga Katoliko si Maria, hayaan ninyong ang ating Panginoon ang magpasiya sa araw ng paghuhukom. Tandaan ninyo, ang katotohanan ay mananaig. Isulat ninyo ang pabor at salungat na kalagayan at hayaan ninyong unawain ng mga mambabasa ang inyong pagkabahala.

R.W., Estados Unidos.

Ang pamilya ko at ako ay mga Katoliko at mga deboto kay Maria, gayunman, sa loob ng maraming taon nasumpungan namin ang inyong mga magasin na kawili-wili at kapaki-pakinabang na basahin. Ang mga artikulo tungkol kay Maria ay, gaya ng dati, walang kinikilingan at walang pinupulaan. Gayunman, nais naming malaman kung bakit hindi kayo gaanong nagbigay ng detalye tungkol sa Lourdes at Fátima? Ang inyong kataimtiman kapag nagsisiyasat ng mga paksa at naghihinuha ay kilalang-kilala. Maaari kayang nakakaligtaan ninyo ang mga bagay tungkol sa pananampalatayang Kristiyano sa pagtangging maniwala sa mga kapahayagan pagkatapos ng Bibliya?

P.O., Pederal na Republika ng Alemanya

Marahil ay nakita na ni P. O. ang labas namin ng Marso 8, 1989, na detalyadong tinatalakay ang kababalaghan sa Lourdes at Fátima.​—ED.

Kilusan ng Kababaihan

Ako’y isinilang noong 1920. Upang maunawaan ang takbo ng nagtatrabahong mga babae (Hulyo 22, 1988) dapat kayong makinig, hindi sa mga feminista, kundi sa isang babaing konserbatibo, walang kinikilingan, bagaman nagtatrabaho. Pangunahin nang may dalawang dahilan kung bakit nagtatrabaho ang mga babae. Ang una ay dahil sa kabuhayan. Kung hindi kayang suportahan ng lalaki ang pamilya, at kailangang magtrabaho ng babae nang buong-panahon, makatuwiran lamang na dapat gawin ng lalaki ang kalahati ng gawain sa bahay, at ang problema ng labis na pagtatrabaho ng babaing de karera ay agad na maglalaho.

Ang isa pang dahilan kung bakit pinipili ng isang babae na magtrabaho ay sapagkat hindi siya gaanong napahahalagahan sa tahanan. Muli’t muli kong nakikita ang isang ama at anak na babae na pinagtutulungan ang asawang babae, at nadarama ng babae na siya ay para bang bale-wala na sa pamilya. O mas gusto pa ng lalaki ang kaniyang beer at ang kaniyang telebisyon kaysa kaniyang asawa. Sa kadahilanang ito ang babae ay naghahanap ng trabaho kung saan siya ay nagkakaroon ng kasiyahan na mayroon siyang nakukuhang kapalit ng kaniyang mga pagsisikap. Napansin ko sa salinlahi ng aking mga magulang ang isang saloobin na hindi na umiiral. Hindi lamang iniibig ng mga lalaking iyon ang kani-kanilang asawa kundi kanila rin namang iginagalang at pinagpapakitaan ng konsiderasyon. Hindi ko masumpungan ang tatlong ito sa salinlahing ito. Hayaang balikan ng mga lalaki ang pag-ibig, katapatan, at paggalang, at makikita ninyong magbabalik ang mga babae sa tahanan.

F. K., Canada

Ang komento ni F. K. tungkol sa “salinlahing ito” ay nagpapagunita sa “salinlahi” na inihula ni Jesus at ni Pablo na makararanas ng kawalan ng “katutubong pag-ibig” sa pamilya. (Mateo 24:3, 34; 2 Timoteo 3:1-3)​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share