Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 4/22 p. 27
  • “Ang Lahat ng Tao ay Iisa”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ang Lahat ng Tao ay Iisa”
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Paghahanap ng Pampalasa, Ginto, mga Kumberte, at Kaluwalhatian
    Gumising!—1992
  • Ang Tunay na Bagong Daigdig na Naghihintay Tuklasin
    Gumising!—1992
  • Salungatan ng mga Kultura
    Gumising!—1992
  • Ang Sagradong Dahon na Napabantog
    Gumising!—1986
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 4/22 p. 27

“Ang Lahat ng Tao ay Iisa”

Ang pamagat na iyan ay ginamit para sa isang kabanata sa aklat na The Discoverers upang ipahayag ang konklusyong narating ni Christopher Columbus at ng iba pa nang masumpungan nila na ang mga taong katutubo ng Amerikas ay hindi mga halimaw ni mga taong-gubat man na gaya ng akala ng mga Europeo na makakatagpo ng mga manggagalugad sa dakong iyon. Si Columbus ay sinipi na nagsabi:

“Sa mga islang ito wala pa akong natagpuang kapangitan ng tao na gaya ng inaasahan ng marami, sa kabaligtaran, pinahahalagahan ng mga taong ito ang kagandahan.” Ang mga “Indyan” na ito ay “matipuno, makisig ang katawan at napakakinis ng mga mukha.” Sabi pa niya:

“Sila’y lubhang mapamaraan at bukas-palad sa lahat ng kanilang tinatangkilik, anupa’t hindi maniniwala ang sinuman na hindi nakakita nito; lahat ng taglay nila, kung hihingin sa kanila, ay hindi nila pinahihindian; sa kabaligtaran, aanyayahan ka nilang makibahagi rito at sila’y nagpapakita ng labis na pag-ibig na para bang kasama na rito ang kanilang puso, at nasisiyahan na sila sa anumang maliit na bagay na ibigay sa kanila, ito man ay isang bagay na mahalaga o hindi gaanong mahalaga.”​—Pahina 626, 628.

Bagaman ang mga Europeo ay namangha na makasumpong na ang pisikal na kagandahan gayundin ang kabaitan at pag-ibig ay mababanaag sa lahat ng tao, dapat sana’y hindi ito nakagulat sa kanila. Ang mga bagay na ito ay taglay ng unang tao, na ginawa sa larawan at wangis ng Diyos. Idiniriin lamang ng natuklasan ni Columbus ang katotohanan at kaeksaktuan ng ulat ng Bibliya tungkol sa paglalang sa isang orihinal na tao na mula sa kaniya ay nagmula ang lahat ng iba pang tao. (Genesis 1:26-28; 10:32) Katulad ito ng ipinaliwanag ni apostol Pablo mga 1,400 taon bago nakarating si Columbus sa Amerikas: “Mula sa isang tao ay nilikha niya ang lahat ng lahi ng sangkatauhan upang magsipanahan sa buong lupa.” Oo, ang lahat ng tao ay iisa.​—Gawa 17:26, Today’s English Version.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share