Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 7/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Pagtulong sa mga May AIDS
    Gumising!—1994
  • Sino ang Nasa Panganib?
    Gumising!—1986
  • AIDS—Kung ano ang Dapat Malaman ng mga Magulang at ng mga Anak
    Gumising!—1991
  • Kung Bakit Lubhang Lumaganap ang AIDS?
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 7/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagsusugal Nagumon ako sa pagsusugal sa gulang na 23. Ginawa nitong napakamiserable ang buhay ko sa loob ng mga ilang taon. Wari bang walang makatulong sa akin na huminto. Gayunman, nagkataong nabasa ko ang inyong magasin. (Setyembre 8, 1987) Tinulungan ako nitong ihinto ang masamang bisyo. Maraming salamat.

T. M. E., Zambia

Mga Kulang sa Buwan Ako’y nakakulong sa bahay, nag-aalaga sa aking ina, na kamakailan ay inatake. Kaya, hindi ako gaanong nakakabahagi sa bahay-bahay na gawaing pangangaral. Gayunman, ibinahagi ko ang Pebrero 22, 1989, na labas ng magasin sa isang dumadalaw na nars. Labis niya akong pinasalamatan dito. Siya’y nagtatrabaho sa isang neonatal unit at ibinahagi niya ang mga artikulo sa tatlo o apat niyang mga kasama sa trabaho. Naibigan nilang lahat ito. Sabi ng isa sa kanila, “Ito ang ilan sa mga problemang nakakaharap natin, subalit kailanman ay hindi ko pa nakitang inilathala ito.”

V. G., Estados Unidos

Mga Crush sa Kasekso Ako po’y 14 anyos at nadarama ko pong ako’y naaakit sa aking mga kasekso. Inaakala ko pong ako’y lubhang di-normal at na ako lamang ang dumaranas ng problemang ito. Ang artikulo (ng Abril 8, 1989) ay nakatulong sa akin na maunawaan na nararanasan din ito ng ibang kabataan at binanggit ng artikulo ang mga hakbang na dapat gawin upang maiwasan ang homoseksuwalidad.

H. M., Austria

Nang ako po ay walo o siyam na taóng gulang, ako po’y seksuwal na nakipaglaro sa aking matalik na kaibigan. Nang panahong iyon akala ko ito ay hindi nakasasamâ. Subalit nang ako po ay nagkakaedad, naunawaan ko kung gaano kasama at kahiya-hiya ito, at ako po ay nakadama ng pagkakasala. Nagpapasalamat po ako na ang paksang ito ay tinalakay. Tinulungan po ako nito na maibsan ng maraming nagtatagal na damdamin ng pagkakasala na malaman na si “Jehova ay saganang nagpapatawad.” Patuloy ko pong isasagawa ang pagpipigil sa sarili.

E. G., Estados Unidos

AIDS Sa inyong labas ng Marso 8, 1989, inilathala ninyo ang isang liham buhat sa isang mambabasa na nagpapahiwatig na “ang AIDS ay maaaring ihatid ng lamok.” Hindi hinamon ng komento ng inyong editoryal ang pangungusap na ito. Gayunman, isang malawakang ipinamamahaging brosyur ng U.S. surgeon general ay nagsasabi, “Hindi mo makukuha ang AIDS mula sa isang kagat ng lamok . . . o ng iba pang insekto.” Kaya malamang na ang ilang mambabasa ng Gumising! ay matakot ngayon sa mga lamok bilang mga tagapagdala ng AIDS.

P. G., Estados Unidos

Ang karamihan ng mga mananaliksik sa AIDS ay sumasang-ayon na posibleng itago ng lamok ang virus sa pamamgitan ng pagkuha ng dugo mula sa isang biktimang nahawaan nito. Gayunman, walang katibayan na ang virus ng AIDS ay nagpaparami sa loob ng insekto, na gaya ng “yellow fever” at iba pang virus na dala ng mga insekto. Kaya, ang lamok ay waring hindi naghahatid ng AIDS. Gayumpaman, ang bagay na ito ay hindi pa lubusang nalulutas ay ipinakikita ng isang report sa magasing “Science” (Hulyo 1987), na nagtatanong: “Ang virus ba ng AIDS ay maaaring ihatid sa pamamagitan ng mga insekto? Ang sagot ay waring hindi isang mariing hindi. Nais iwan ng mga siyentipiko ang pinto ng posibilidad na bahagyang nakabukas. Subalit iginigiit nila na kung ang insekto ay isang salik sa pagkalat ng AIDS, hindi ito mahalagang salik.”​—ED.

Panlulumo Ako ngayo’y 20 anyos, at nais ko lamang kayong pasalamatan sa inyong mga artikulo. (Oktubre 22, 1987) Naranasan ko ang ilang mahihirap na panahon, at malaki ang naitulong sa akin ng mga artikulo.

C. W., Estados Unidos

Pagliligawan Naikintal sa aking isipan ng inyong artikulo (Pebrero 22, 1989) ang kaselangan at pananagutan ng pagliligawan. Ako ngayo’y nanliligaw, at inaasahan kong ito’y mauuwi sa isang matagumpay na pag-aasawa.

G. V., Mexico

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share