Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 10/8 p. 13-15
  • Isang Masamang Balita sa Industriya ng Musika?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Masamang Balita sa Industriya ng Musika?
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Isang “Synthesizer”?
  • Paano Pinagbabantaan ng Synthesizer ang Trabaho?
  • Orkestra sa Isang Kahon?
  • Ang mga Huling Araw ng Piyano?
  • Inuulit ba ng Kasaysayan ang Sarili Nito?
  • Masasabi Mo ba ang Pagkakaiba?
    Gumising!—2002
  • Isang Daigdig ng Musika sa Dulo ng Iyong mga Daliri
    Gumising!—2004
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2003
  • ‘Kung Sana’y Makatutugtog Akong Gaya Niyan!’
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 10/8 p. 13-15

Isang Masamang Balita sa Industriya ng Musika?

PAKINGGANG mabuti ang musikang nanggagaling sa iyong radyo o sa iyong mga plaka o sa iyong set ng telebisyon. Ang mga naririnig mo ba ay tunay na mga instrumentong de kuwerdas? Ang pinakikinggan mo ba ay tunay na pangkat ng mga instrumentong brass?

Habang ang teknolohiya sa musika ay mabilis na sumusulong, yaong mga tunog na naririnig mo ay baka hindi nanggagaling sa mga instrumentong inaakala mo. Baka ikaw ay nakikinig sa isang synthesizer. Oo, sa maraming musikero, ang synthesizer ay kumakatawan ng isang masamang balita sa industriya ng musika. Maraming gayong mga musikero ang nakadarama na inaagawan sila ng synthesizer ng kanilang trabaho!

Ano ang Isang “Synthesizer”?

Ang isang synthesizer ay isang instrumento kung saan ang tunog ay ginagawa sa paraang elektroniko. Ang mga katangian ng tunog ay maaaring baguhin at kontrolin ng gumagamit. Ang tunog ay kalimitang likha mula sa isang keyboard, at kung gayon nga, ang ayos ng mga tono ay katulad ng sa piyano.

Ang isang synthesizer ay tinatawag na gayon sapagkat sini-synthesize, o pinagsasama nito, ang sarisaring iprinogramang mga katangian upang gawin ang tunog nito. Ang ilang synthesizer at elektronikong mga keyboard ay nag-aalok ng isang digital na halimbawang tampok kung saan ang mga tunog ay aktuwal na mairerekord sa keyboard at muli nitong gagawin ang tono ayon sa pinindot na mga tono. Bagaman ang gayong mga tunog ay maaaring hindi synthesized sa istriktong pangangahulugan, isasama ng artikulong ito ang gayong mga keyboard bilang mga synthesizer.

Ang mga synthesizer ay narito na sa loob ng maraming taon. Subalit ang kanilang katanyagan ay tumaas lalo na noong mga taóng 1970’s, nang ang instrumento ay ginamit sa popular na musika upang dalhin ang isang bagong tunog na pinagmulan ng paligsahan sa gitarang de kuryente. Bagaman sa simula ito ay tila ba isa lamang bagong instrumento na makagagawa ng ilang kawili-wiling mga tunog, ang mga synthesizer ay aktuwal na maaaring iprograma sa pamamagitan ng digital na teknolohiya upang tularan at gawin ang mga tunog ng tradisyonal na mga instrumento.

Paano Pinagbabantaan ng Synthesizer ang Trabaho?

Ipagpalagay mong ikaw ay isang musikero, at ang pagtugtog ng biyolin sa mga rekording sesyon para sa musika sa telebisyon, mga komersiyal, at tulad nito ang iyong ikinabubuhay. Ipagpalagay natin na para sa dumarating na rekording sesyon, isang 20-miyembrong tumutugtog ng de kuwerdas ang kakailanganin.

Nais ng direktor sa musika na bawasan ang gastos sa pag-upa ng maraming manunugtog ng biyolin, at makukuha niya ang gayunding tunog sa pag-upa lamang ng anim na biyolinista at isang manunugtog ng synthesizer. Sa gayon, napalitan ng synthesizer ang 14 na biyolinista sa trabaho sa rekording sesyon na iyon, at maaaring isa ka roon sa hindi inupahang tumugtog. Ngayon, kung ito ay mangyari minsan lamang, maaaring hindi ito makabahala sa iyo. Subalit kung ganito na lamang palagi​—at inaakala ng ilang musikero na gayon na nga ang nangyayari​—nakikita mo ba kung paano maaaring pagbantaan ng synthesizer ang iyo mismong kabuhayan?

Magagaya ba ng synthesizer ang tono at uri ng tono ng isang tradisyunal na instrumento? Si Mike Comins, biyolinista at opisyal ng Recording Musicians Association, ay nagsasabi: “Madalas kaming nagbibiruan tungkol sa ideya na paglabas ni Georg Solti sa entablado sa Orchestra Hall sa Chicago, na siya lamang mag-isa at isang manunugtog ng synthesizer. Itataas niya ang kaniyang kamay, at ganap na lilikhaing muli ng taong ito ang tunog ng Chicago Symphony . . . Ito’y isang nakatatakot na biro, sapagkat kahit na hindi pa pinalitan ng synthesizer ang isang symphony orchestra sa madla o sa plaka, maaari nitong gawin iyon, at iyan ay nakatatakot.”

Orkestra sa Isang Kahon?

Noong 1984 isang musikero ang nagsaplaka ng isang album na kasama ang isang malaking tunog na orkestra at tinawag ang “orkestra” na “LSI Philharmonic.”a Ang “orkestra” sa katunayan ay isang synthesizer. Ang kompositor ay gumugol ng tinatayang 2,000 oras sa loob ng mahigit na isang taon at kalahati sa pagpoprograma ng isang digital na synthesizer upang makuha ang tunog ng orkestra. Ang mga resulta ay kahanga-hanga. Tinawag ito ng magasing Keyboard na “isa sa mas kahanga-hangang gawa ng synthesis” at nagkomento na “ang ideya na maaari tayong lokohin ng isang keyboard na isiping ito ang Chicago Symphony ay hindi malayong mangyari.”

Ang gayon bang paggaya sa mga tunog ng orkestra ay nangangahulugan na ang tradisyunal na mga instrumento ay malapit nang maging lipás na bagay? Hindi naman sang-ayon sa nabanggit-kanina na kompositor, na nagsasabi, “Mahal ko ang orkestra . . . Pipiliin ko pa rin ang orihinal!”

Maraming musikero ang sasang-ayon. Ang iba ay may palagay na walang synthesizer ang makagagawa ng mga tono at uri ng tono ng ibang instrumento nang eksaktung-eksakto na anupa’t papalitan nito ang mga ito. Ang musikerong si Walter Sear ay nagsasabi: “Ang [synthesized] na trumpeta ay hindi katulad ng tunog ng isang trumpeta sa isang may karanasang musikero. . . . At ang haba ng mga nota at tunog ng instrumentong hinihipan ay hindi natural sa isang keyboard.” Subalit ikinatatakot niya na ang mga tao ay hindi naman gayon kapihikan sa kanilang pakikinig at na natutuhan nilang tanggapin ang tunog na gawa sa pamamaraang elektroniko sa kabila ng “kakulangan [nito] ng maliliit na depektong iyon na gumagawa sa akustik na mga instrumento na kawili-wili.”

Tunay, ang synthesizer ay lumilikha ng malaking pagtatalo sa propesyonal na industriya ng musika. Subalit ang popularidad ng synthesizer ay hindi lamang nakaaapekto sa propesyonal na mga musikero. Apektado rin nito ang kilalang instrumento na maaaring mayroon ka sa inyong tahanan.

Ang mga Huling Araw ng Piyano?

Dahil sa pagbabagong dala ng synthesizer, nakakaharap ng piyano mismo ang mahihirap na panahon. Iniuulat ng mga kompaniya ng piyano na ang benta ay humihina, at ilang kilalang mga gumagawa ng piyano ang aktuwal na nalugi. Gayunman, noong panahon ding iyon, ang benta ng synthesizer ay lubhang lumakas.

Gayunman, hindi naman dahilan sa ang tunog ng piyano ay naging di-popular. Gaya ng sabi ng isang may-ari ng isang istudyo: “Mayroong tiyak na pangangailangan para sa mga tunog ng piyano, subalit 99 na ulit mula sa 100 na ang mga kliyente ay hindi purista sa kung paano nila nakukuha ito.” Pinipili ng marami ang paggamit ng synthesizer dahil sa matatag na pagtono nito, madaling bitbitin at sa maraming kaso, magaang sa bulsa. Sa katunayan, maraming synthesizer ang mabibili na wala pang kalahati sa halaga ng isang piyano.

Nangangahulugan ba ito na malapit nang halinhan ng synthesizer ang piyano? Ang ilan ay nag-aalinlangan na ito ay aabot ng gayon. Ganito ang sabi ng ehekutibong gumagawa ng piyano na si John Steinway: “Walang makahahalili sa isang kontroladong aksiyon ng natural na piyano. Bagaman sila ay gumagawa ng di-pangkaraniwang gawain sa dakong ito, sa palagay ko hindi nito bibigyan ang manunugtog ng uri ng pagkontrol na nakukuha niya sa piyano.”

Gayunman, buhat sa pangmalas ng tagagawa ng piyano, ang katibayan ay maliwanag: Ang benta ng piyano ay humina, at nagugustuhan ng mga tao ang synthesizer. Maaaring ito’y isang pansamantalang hilig. O maaari naman na, gaya ng sabi ng magasing Keyboard, “nasasaksihan natin ang una sa mga huling araw ng piyano.”

Inuulit ba ng Kasaysayan ang Sarili Nito?

Ang problema ay hindi bago. Sa buong kasaysayan, ang pagsulong sa tekonolohiya ay nagpangyari sa maraming may kasanayang mga manggagawa na biglang mawalan ng trabaho. At ngayon, dahil sa synthesizer, nakikita na kahit na ng ilang propesyonal na mga musikero ang kawalan ng trabaho sa nakatatakot na abot-tanaw ng kanilang karera.

Para sa mga kasangkot sa paggawa at pagtugtog ng mga synthesizer, ang teknolohiya ay nagbukas ng mga pinto sa wari’y walang katapusang mga pagkakataon. Para sa mga ang ikinabubuhay ay ang pagtugtog ng tradisyunal na mga instrumento, ang synthesizer ay kumakatawan sa masamang balita na maaaring mangahulugan ng pagkawala nila ng kanilang trabaho.

Kaya sa susunod na pagkakataon na ikaw ay makikinig ng musika sa iyong TV, radyo, o ponograpo, makinig na mabuti, at huwag hayaang dayain ka ng iyong mga pakinig. Maaaring ikaw ay nakikinig sa isang synthesizer.

[Talababa]

a Ang “LSI” ang pagpapaikli ng kompositor para sa “Large-Scale Integration” circuitry, o mga chip sa computer.

[Blurb sa pahina 14]

“Ang [synthesized] na trumpeta ay hindi katulad ng tunog ng isang trumpeta sa isang may karanasang musikero . . . At ang haba ng mga nota at ang tunog ng instrumentong hinihipan ay hindi natural sa isang keyboard.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share