Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 7/22 p. 31
  • Pagkarga ng Sobrang Oksiheno Walang Tulong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagkarga ng Sobrang Oksiheno Walang Tulong
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Paghahatid ng Oxygen
    May Nagdisenyo Ba Nito?
  • Ang Kamangha-manghang Molekula ng Hemoglobin
    Gumising!—2010
  • Ang Paniniwala ng Isang Espesyalista sa Kidney
    Gumising!—2013
  • De-kalidad na mga Panghalili sa Pagsasalin
    Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 7/22 p. 31

Pagkarga ng Sobrang Oksiheno Walang Tulong

ANG humihingal na mga manlalaro ay lumalabas sa larangan ng palaruan at nagsisimulang lumanghap ng dalisay na oksiheno. Kadalasan, ang mga tangke ng oksiheno ay makukuha katabi ng mga bote ng tubig. Pinabibilis ba nito ang manlalaro na makabawi o mapabuti ang laro? Hindi ayon sa pananaliksik na inilathala sa labas noong Setyembre/Oktubre 1989 ng medikal na magasing Hippocrates. Ang mga manlalaro ay tumakbo sa isang treadmill hanggang sa mapagod, saka lumanghap ng dalisay na oksiheno. Pagkatapos isa pang nakapapagod na pagtakbo sa treadmill, subalit ngayon sila ay lumanghap ng hangin sa isang tangke na naglalaman ng hangin-silid (room air). Ginawa nila ito nang dalawang ulit. Walang pinag-kaiba pagkatapos nilang lumanghap ng dalisay na oksiheno kaysa pagkatapos nilang lumanghap ng hangin-silid. Iginiit ng iba na masasabi nila kung aling tangke ang may dalisay na oksiheno at alin ang may hangin-silid, subalit kadalasan, sila ay mali.

Ang mga sampol ng dugo na kinuha bago at pagkatapos ng bawat pagsubok “ay sumira sa ideya na pinabibilis ng dalisay na oksiheno na ang isa’y makabawi sa pamamagitan ng pagpapadala ng higit na oksiheno sa pagod na mga kalamnan. . . . Ang antas ng lactate sa dugo​—isang kemikal na pansamantalang dumadami sa dugo kapag nawalan ng oksiheno ang magawaing mga kalamnan​—ay halos magkapareho, alinmang tangke ang gamitin. Kung mas maraming oksiheno ang nagtutungo sa mga kalamnan, mas mababa sana ang antas ng lactate.”

Gayon lamang dami ng oksiheno ang kaya ng dugo at madali niyang makuha ang daming iyon mula sa hangin sa atmospera. Hindi kinakargahan ng sobra ng dalisay na oksiheno ang dugo ng sobra-sobrang oksiheno o tinutulungan ang manlalaro na mas mabilis na makabawi mula sa masiglang ehersisyo. Ang pagbawi mula sa hapo ay nangyayari kapag ang puso ay bumubomba nang mas mabilis, na naghahatid ng mas maraming dugo sa mga selula ng kalamnan at sa gayo’y nagdadala ng higit na oksiheno. Ang dugo ay hindi na makapaglalaman ng higit na oksiheno. Basta inihahatid nito ang dala nitong oksiheno nang mas mabilis, at iyan ang gumagawang mas mabilis na makabawi.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share