Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 10/8 p. 31
  • Ang Kabayaran ng Pandaraya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kabayaran ng Pandaraya
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Hindi mga Mahiko ni mga Diyos
    Gumising!—1994
  • Pinagpala ni Jehova ang Kanilang Matatag na Paninindigan Ukol sa Kaniyang Kautusan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Ingatan ang Inyong mga Anak Mula sa Maling Paggamit ng Dugo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Handa Mo Bang Harapin ang Hamon sa Pananampalataya Kapag Nagpapagamot?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 10/8 p. 31

Ang Kabayaran ng Pandaraya

ANG mga bató ni Casey Lunsford ay nanghihina. Tinataya ng mga doktor na ang tatlo-at-kalahating-taóng-gulang na batang lalaki ay mabubuhay lamang ng tatlo o apat na buwan malibang palitan ang kaniyang bató (kidney transplant). Ang kaniyang mga magulang, na mga Saksi ni Jehova, ay nagpasiya na pabor sa operasyon; sa katunayan, ang ama ni Casey ang magkakaloob ng isa sa kaniyang mga bató sa bata.a Ang tanging kondisyon nila ay na walang dugong gagamitin​—ang mga Saksi ni Jehova ay tumatanggi sa mga pagsasalin ng dugo sa maka-Kasulatang dahilan.​—Tingnan ang Gawa 15:20.

Isinaplano ng mga Lunsford na ang operasyon ay gawin sa isang ospital sa Texas na kilalang-kilala sa matagumpay na mga kidney transplant na isinasagawa nang walang pagsasalin ng dugo. Subalit isang ospital na ilang milya lamang mula sa tahanan ng mga Lunsford sa California ay handang isagawa ang transplant nang walang pagsasalin ng dugo. Pinili ng mga Lunsford ang mas malapit na ospital na ito.

Noong linggo bago ang operasyon, paulit-ulit na tiniyak ng mga kawani sa ospital at ng seruhanong magsasagawa ng transplant sa mga magulang na hindi kakailanganin ang pagsasalin ng dugo o isang court order na magbibigay-kapangyarihan sa isa laban sa pagtutol ng mga magulang. Gayunman, pagkatapos na pagkatapos sumang-ayon ng mga magulang sa operasyon, isinaayos ng seruhano ang pagkuha ng court order upang ipilit ang pagsasalin ng dugo kay Casey. Nagawa pa nga niyang palitan ang isang social worker na humahawak ng kaso nang iginiit ng social worker na ang mga magulang ay may karapatang malaman ang tungkol sa anumang court order. Noong umaga ng operasyon, ang ospital ay nagharap ng isang sertipiko na humihiling ng isang court order na salinan ng dugo si Casey. Ginawa ng sertipiko na para bang si Casey ay kasalukuyang nakahiga at nagdurugo sa isang mesa de operasyon, samantalang sa katunayan ay hindi pa nag-uumpisa ang operasyon! Isang oras pagkatapos ng operasyon, na matagumpay na naisagawa nang walang dugo, si Casey ay sinalinan ng dugo.

Inihabla ng mga Lunsford ang seruhano at ang ospital dahil sa paglabag sa kanilang mga karapatang sibil at dahil sa panlilinlang, labag sa batas na pamimilit nang walang pahintulot, sadyang pagpapahirap ng damdamin, at pagsira sa pagtitiwala sa tungkulin. Pagkatapos ng apat-na-linggong paglilitis, ang hurado ay nag-usap sa loob ng dalawa at kalahating araw at nagbigay ng pasiya laban sa seruhano at sa ospital. Sila ay pinagbayad ng kabuuang $500,000 sa mga Lunsford.

Bagaman pinawalang-saysay na ng hukom na lumitis ang hatol sa paglabag sa mga karapatang sibil at nag-utos ng bagong paglilitis para sa pandaraya at ibang paratang, ang 12 hurado ay kumbinsido na ang pandaraya ng ospital at ng doktor ay nagbibigay-matuwid sa pagkakaloob ng $500,000. Ipinahiwatig ng mga abugado ng pamilya na itataguyod nila ang disisyon ng hurado sa pamamagitan ng isang apela.

[Talababa]

a Minamalas ng mga Saksi ang mga operasyon sa pagta-transplant na isang pagpapasiyang depende sa budhi ng indibiduwal.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share