Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 12/8 p. 8-10
  • Ang Pangglobong Kapatiran ay Tiyak!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pangglobong Kapatiran ay Tiyak!
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Iba ang mga Saksi ni Jehova
  • Kung Paano Nakakamit ang Pagkakaisa
  • Mga Hula ng Bibliya na Natutupad
  • Kapag ang Lahat ng Lahi ay Sama-samang Mamumuhay sa Kapayapaan
    Gumising!—1993
  • Binubuo Na Ngayon ang Saligan ng Bagong Sanlibutan
    Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
  • Pagtatangi ng Lahi
    Gumising!—2014
  • Nasumpungan Ko ang Pagkakaisa ng Lahi sa Maligalig na Timog Aprika
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 12/8 p. 8-10

Ang Pangglobong Kapatiran ay Tiyak!

ANG misyonero ay hindi pa natatagalan sa Kanlurang Aprika nang siya’y dumalo ng isang relihiyosong kombensiyon sa isang liblib na rehiyon. Habang siya’y lumalapit sa isang lokal na pamilya, isang dalawang-taóng-gulang na batang lalaki, ang sa walang kadahi-dahilan, ay umiyak.

Sinikap aliwin ng misyonero ang bata, subalit ang pag-iyak ng bata ay naging mga pagtili. “Anong nangyari?” tanong ng misyonero sa ina. Siya’y nahihiyang tumugon: “Sa palagay ko ho’y kayo ang dahilan. Natatakot ho siya sa kulay ninyo. Hinding-hindi pa siya nakakita ng taong puti.”

Mula sa pagkasanggol maaaring makilala natin ang pisikal na mga pagkakaiba sa pagitan ng mga tao. Ang mga maling opinyon ay nangyayari sa dakong huli. Ang mga palagay ng mga bata ay nahuhubog habang minamasdan nila ang mga saloobin at ugali ng nakatatandang mga tao, gaya ng kanilang mga magulang. Sa paaralan sila ay naiimpluwensiyahan pa ng kanilang mga guro, mga kaibigan, at mga kaklase.

Sang-ayon sa isang pangmatagalang pag-aaral sa Estados Unidos, sa panahong ang mga bata ay umabot ng 12 anyos, mayroon na silang tinanggap na opinyon at mga saloobin tungkol sa etniko, panlahi, at relihiyosong grupo sa paligid nila. Sa pagkamaygulang ang mga palagay na ito ay malalim nang naitatag.

Iba ang mga Saksi ni Jehova

Sa isang daigdig kung saan laganap ang maling opinyon, ang mga Saksi ni Jehova ay natatangi bilang ibang-iba. Sila’y kilala sa buong daigdig sa kanilang pagkakaisa ng lahi. Ito’y madalas banggitin ng mga nagmamasid sa kanilang malalaking taunang kombensiyon.

Halimbawa, ang pahayagang States-Item ay nag-uulat tungkol sa isang malaking kombensiyon ng mga Saksi sa gawing timog ng Estados Unidos: “Isang diwa ng kapatiran ang pumuno sa Louisiana Superdome habang ang mga bata’t matanda, itim at puting mga Saksi ni Jehova ang naupo upang simulan ang isang . . . pag-aaral at pagbahagi ng karanasan. . . . Ang pagtatangi ng lahi . . . ay hindi problema sa mga saksi.”

Sa isang kombensiyon ng mga Saksi, sa Timog Aprika, isang babaing Xhosa ang nagsabi: “Kahanga-hanga na dito sa Timog Aprika ang mga tao ng lahat ng lahi ay maaaring magkaisa. Ibang-iba ito sa nakagisnan ko sa mga relihiyon.”

Nang ang mga bisita mula sa Hilaga at Timog Amerika gayundin sa Europa ay dumalo sa malalaking kombensiyon ng mga Saksi sa Dulong Silangan at sa Timog Pasipiko, ayon sa isang report, “wala ni isa mang bahid ng pagtatangi ng lahi sa kanilang bahagi, ni sa bahagi man ng maypabisita.”

Kaya, ang lubhang kakaiba sa angaw-angaw na mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay ang kanilang tunay na pagkakaisa at pagkakaisa ng lahi. Sila’y nabubuklod ng tunay na pag-ibig Kristiyano. Ito’y gaya ng sabi ni Jesus: “Sa ganito’y makikilala ng lahat na kayo’y aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t isa.”​—Juan 13:35.

Kaya ang mga Saksi ni Jehova ay mayroon nang tunay, permanenteng internasyonal na kapatiran! Dinidibdib nila ang sinabi ni Jesus sa Mateo 23:8: “Kayong lahat ay magkakapatid.” At ito’y sa mismong panahon na ang pagkakabaha-bahagi at pagkakapootan ng lahi at etnika ay sumisira sa mga bansa.​—Tingnan din ang 1 Corinto 1:10; 1 Juan 3:​10-12; 4:​20, 21; 5:​2, 3.

Kung Paano Nakakamit ang Pagkakaisa

Mahalaga sa pagkakaisang ito ay ang salig-Bibliyang instruksiyon na tinatanggap ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang mga Kingdom Hall at sa pamamagitan ng personal na pag-aaral ng Bibliya. Sila ay gaya ng mga Kristiyano sa Tesalonica, na sa kanila’y sinabi ni Pablo: “Nang tanggapin ninyo ang salita ng Diyos, na narinig ninyo sa amin, tinanggap ninyo ito, hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, gaya ng kung nga ito, gaya ng salita ng Diyos, na gumagawa rin sa inyo na nagsisisampalataya.”​—1 Tesalonica 2:13.

Sa gayon, ang mga Saksi ay naniniwala sa sinasabi ng Bibliya, at masigasig nilang sinisikap na tularan ang paraan ng pag-iisip ng Diyos. Dinidibdib nila ang sinabi ni apostol Pedro sa ilalim ng pagkasi: “Tunay ngang talastas ko na ang Diyos ay hindi nagtatangi, kundi sa bawat bansa ang taong may takot sa kaniya at gumagawa ng matuwid ay kalugud-lugod sa kaniya.”​—Gawa 10:​34, 35.

Kasuwato nito, tinagubilinan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na gumawa ng mga alagad ng mga tao “ng lahat ng bansa.” (Mateo 28:19) Kaya naman, aktibong hinahanap ng mga Saksi ni Jehova ang mga umiibig sa katuwiran sa lahat ng lahi at etnikong grupo, nang walang itinatangi. At kapag yaong buhat sa iba’t ibang pinagmulan at lahi ay nagkaisa upang sumamba, gumawa, at magsama-sama, ang tinanggap na ideya ay napagtatagumpayan. Natututuhan nilang pahalagahan ang isa’t isa, ibigin ang isa’t isa.

Totoo, ang isang taong malaon nang may maling opinyon tungkol sa lahi ay maaaring hindi agad magbago ng kaniyang palagay. Subalit kapag siya’y naging isang Saksi, sinisimulan niyang “magbihis ng bagong pagkatao” ng isang tunay na Kristiyano, at gumagawa siyang masikap upang pagtagumpayan ang kaniyang dating mga opinyon. (Efeso 4:​22-24) Hindi sinisikap na bigyang-matuwid ang kaniyang maling opinyon sa pagsasabing, ‘Ganiyan ang kinalakhan ko.’ Hindi, sinisikap niyang baguhin ang kaniyang isip at “magkaroon ng pag-ibig sa buong kapatiran.”​—1 Pedro 2:17.

Mga Hula ng Bibliya na Natutupad

Kung ano ang nagaganap sa gitna ng mga Saksi ni Jehova ngayon ay napakahalaga. Oo, ito ay inihula sa Bibliya.

Pansinin ang inihula sa Isaias 2:​2-4 na mangyayari “sa huling bahagi ng mga araw,” sa “mga huling araw” ng masamang sistemang ito ng mga bagay. (2 Timoteo 3:​1-5, 13) Binanggit ng hulang iyon ni Isaias na ang tunay na pagsamba kay Jehova ay matatatag sa salinlahing ito, at ‘dadagsa roon ang lahat ng bansa. At maraming bayan ang tiyak na paparoon at magsasabi: “Halikayo, kayong mga tao, at umahon tayo sa bundok ng tunay na pagsamba ni Jehova. At tayo’y kaniyang tuturuan sa kaniyang mga daan, at tayo’y lalakad sa kaniyang mga landas.” ’

Binanggit din ng hula ni Isaias ang sumusunod na pambihirang resulta, na nakikita sa internasyonal na lawak sa gitna ng mga Saksi ni Jehova sa buong siglong ito: “At papandayin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit. Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mangag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.”

Gayundin, tinutukoy ang ating panahon, inihula ng aklat ng Bibliya na Apocalipsis na isang malaking pulutong ng mga tao “mula sa lahat ng bansa at lahat ng tribo at mga bayan at mga wika” ay magsasama-sama sa tunay na kapatiran upang nagkakaisang maglingkod sa Diyos.​—Apocalipsis 7:​9, 15.

Hindi ito mapagnais na saloobin. Ang malaking pulutong mula sa lahat ng bansa, mula sa lahat ng lahi at etnikong grupo, ay itinatatag na. Isang tunay at nagtatagal na pangglobong kapatiran ang itinatayo na ngayon! Ito ang pundasyon ng isang ganap na bagong pangglobong lipunan ng nagkakaisa, maligayang mga tao na hahalili sa kasalukuyang bulok na lipunan na malapit nang puksain ng Diyos. Ang nagkakaisang lipunang ito ay, gaya ng sabi ni Jesus, “magmamana ng lupa,” at sila’y mabubuhay rito magpakailanman sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos.​—Mateo 5:5; 6:​9, 10; Awit 37:​10, 11, 28, 29, 37, 38.

Bakit hindi suriin sa inyong sarili? Kayo ay malugod na inaanyayahang dumalaw sa alinmang Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova at maranasan ang kanilang pagkakaisa ng lahi. O sa susunod na pagkakataong dumalaw sa inyo ang mga Saksi, patuluyin sila at hilingin sa kanila na ipakita sa inyo buhat sa Bibliya kung ano ang saligan ng kanilang pagkakaisa ng lahi. Hayaang ipakita nila sa inyo ang kanilang pag-asa buhat sa Bibliya tungkol sa isang bagong sanlibutan kung saan iiral ang tunay na kapatiran sa buong lupa.

Ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, si Jehova, ay nagbibigay ng garantiya na ang kaniyang layuning magtatag ng isang kapatiran ng lahat ng tao ay matutupad. Sabi niya: “Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa aking bibig. Ito’y hindi babalik sa akin nang walang bunga, kundi tiyakang gagawin nito ang kinalulugdan ko, at tiyakang magtatagumpay ito sa pinagsuguan ko.”​—Isaias 55:11.

Inaanyayahan namin kayo na suriin ang katibayan mula sa mga hula ng Bibliya at mula sa katuparan ng mga hulang iyon. Kung gagawin ninyo iyan, makikita ninyo na ang pagkakaisa ng lahi ay hindi lamang posible kundi hindi maiiwasan!

[Blurb sa pahina 9]

Ang nangyayari sa gitna ng mga Saksi ni Jehova ngayon ay inihula sa Bibliya

[Larawan sa pahina 10]

Ang mga Saksi ni Jehova ay pambihira sa pagkakaroon ng tunay na pagkakaisa ng lahi sa gitna nila

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share