Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g91 11/8 p. 14
  • Bakit “Propaganda”?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit “Propaganda”?
  • Gumising!—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Ipanalo ang Labanan Para sa Iyong Isip
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • Ang Manipulasyon sa Impormasyon
    Gumising!—2000
  • Maaaring Makamatay ang Propaganda
    Gumising!—2000
  • Huwag Magpabiktima sa Propaganda!
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—1991
g91 11/8 p. 14

Bakit “Propaganda”?

Noong 1622, si Papa Gregorio XV ay nagtatag ng isang kongregasyon, o komite, ng 13 kardinal, 2 prelado, at isang kalihim upang pangasiwaan ang mga misyonero ng Iglesya Romano Katoliko. Tinawag niya itong Congregatio de Propaganda Fide​—ang Kongregasyon para sa Pagpapalaganap ng Pananampalataya—​o Propaganda sa maikli. Nang maglaon ang salitang ito ay nangahulugan ng anumang pagsisikap upang ikalat ang mga ideya o paniwala upang gumawa ng mga taong kumbertido.

Ngayon, ang “propaganda” ay kadalasang iniuugnay sa isang pagpilipit ng mga katotohanan, ang hindi tapat na pag-impluwensiya sa isipan ng mga tao, gaya halimbawa sa panahon ng digmaan. Subalit inaakala ng ilang awtoridad na kahit na ang pinakamahusay na pag-aanunsiyo ay mailalarawan bilang propaganda, lalo na kung ito’y nagsasangkot ng panghihikayat. Ganito ang komento ng The World Book Encyclopedia: “Ang mga tagapagturo sa demokratikong mga lipunan ay nagtuturo sa mga tao kung paano mag-isip, subalit ang mga propagandista ay nagsasabi sa kanila kung ano ang iisipin.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share