Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 2/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1994
g94 2/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Kapanglawan Ibig ko kayong pasalamatan nang lubos sa serye ng “Kapanglawan​—Kung Ano ang Iyong Magagawa Hinggil Dito.” (Setyembre 22, 1993) Dumating ito sa panahong ako’y labis na namamanglaw. Bagaman ako’y naiyak dito, mas mabuti ang pakiramdam ko pagkatapos kong mabasa ito. Naiisip ko ang ilan sa aking mga kaibigan na makasusumpong ng pampatibay-loob sa pagbabasa nito.

B. H., Estados Unidos

Bagaman matagal ko nang ibig na makakita ng gayong artikulo, dumating ito nang hindi inaasahan. Nais kong magpasalamat nang taos-puso dahil sa payong nilalaman nito. Talagang mahirap maunawaan kung ano ang kapanglawan kung hindi mo ito naranasan.

C. G., Italya

Ako’y 38 taóng gulang at talagang nakaranas ng labis na kapanglawan, dahil sa nag-iisa akong anak at pagkatapos ay nakaranas ng mga pagbabago sa trabaho at diborsiyo. Ang materyal ay nakapagbibigay-kaalaman at nakapagtuturo. Gayunman, hindi ninyo nabanggit na ang kapanglawan ay maaaring umakay sa seksuwal na imoralidad, pang-aabuso sa droga, at masasamang kasama.

J. B., Estados Unidos

Sa pantanging artikulong ito, pinili naming magtuon ng pansin sa mga paraan ng pagdaig sa kapanglawan sa halip na talakayin ang mga panganib nito. Gayunman, pinahahalagahan namin ang obserbasyong ito.​—ED.

Mariposa at Paruparo Dahil sa ako’y taong interesado sa biyologo, ibig kong dagdagan ng isang punto ang artikulong “Mariposa o Paruparo​—Ano ang Pagkakaiba?” (Mayo 8, 1993) Ang pinakamadaling paraan upang makilala ang mariposa at paruparo sa isang tingin ay pagmasdan ang kanilang pagdapo. Ang mariposa ay dumarapo na bukang-buka ang mga pakpak nito; ang paruparo naman ay nakalapat nang patayô.

Y. Y., Estados Unidos

Maraming salamat sa karagdagang impormasyong ito. Ang “The World Book Encyclopedia” ay nagsasabi na ito’y totoo sa ‘karamihan ng mga paruparo at mariposa.’​—ED.

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Salamat sa artikulong “Normal ba ang Aking Paglaki?” (Setyembre 22, 1993) Ang aking kapatid na babae ay mas bata sa akin nang isang taon, at talagang napakatangkad niya. Ngayon ay batid ko na hindi naman ako mananatiling maliit.

C. L., Estados Unidos

Salamat sa artikulong “Ano Naman ang Tungkol sa Pag-iistambay?” (Hunyo 22, 1993) Hindi ako kailanman naging ang uri ng tin-edyer na nag-iistambay kasama ng ibang kabataan. Dahil dito para bang may bagay na diperensiya sa akin. Subalit natulungan ako ng artikulo na maunawaang maaaring masangkot ang isa sa gulo dahil sa pag-iistambay. Ang pagluluto, pagguhit, pagliham, at pangangaral ay mas mabuting paraan na gugulin ko ang aking panahon.

K. R., Estados Unidos

Ako po’y 11 taóng gulang lamang, subalit lubusan akong nasiyahan sa artikulong “Paano Ko Maiiwasang Magkaroon ng AIDS?” (Setyembre 8, 1993) Pinag-usapan namin ng aking ina ang bagay na ito. Salamat sa inyong detalyadong pagpapaliwanag kung paano magiging ligtas mula sa virus ng AIDS. Ang akala ko’y maaaring magkaroon ka nito sa anumang paraan!

L. K., Estados Unidos

Holocaust Museum Kamakailan ay nagplano ang aking superbisor sa trabaho na dumalaw sa Holocaust Memorial Museum. Binigyan ko siya ng artikulo ng Mayo 8, 1993, tungkol sa “Isang Museo Tungkol sa Pagkatupok at ang mga Saksi ni Jehova” upang maging kalugud-lugod ang kaniyang pagdalaw. Namahagi ang museo ng 500 personal na mga karanasan na nasa ipinamimigay na mga kard. Ang kaniyang kard ay may karanasan ng isa sa mga Saksi ni Jehova​—si Emma Arnold. Nakilala ng aking pamilya ang mga pamilyang Arnold noong 1951 at may mga kuha sila na nasa isang album ng mga larawan. Nabigla ang aking superbisor na mabatid na hindi lamang karanasan ng isang Saksi ni Jehova ang kaniyang nakuha kundi isa na kilala pa ng aking pamilya! Ibinahagi ko sa kaniya at sa ibang katrabaho ko ang aming mga larawan at ang karanasan ng manugang ni Sister Arnold, si Max Liebster, na lumabas sa Ang Bantayan ng Abril 1, 1979.

J. K., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share