Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 9/22 p. 20-21
  • Isang Dakilang Pangarap na Natupad!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Dakilang Pangarap na Natupad!
  • Gumising!—1994
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Palimbagan na Lumulutang sa Hangin!
  • Nakatutuwang Reaksiyon sa Apat-na-Kulay na mga Magasin
  • Paglilimbag ng Literatura sa Bibliya Upang Gamitin sa Ministeryo
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Pangangalaga sa mga Pag-aari ng Panginoon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Isang Patotoo ng Pag-ibig, Pananampalataya, at Pagkamasunurin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Ang Kasaysayan ng Sorbetes
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1994
g94 9/22 p. 20-21

Isang Dakilang Pangarap na Natupad!

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA NIGERIA

MAHIGIT na 500 Saksi ang nanananghali sa Tahanang Bethel sa Nigeria noong Pebrero 9, 1994, nang ilabas ng mga tagapagsilbi ang sorbetes para panghimagas. “Ano ba ang pantanging okasyon?” malakas na tanong ng ilan. “Hindi lamang sorbetes, kundi ang pagkasarisaring lasa​—vanilla, tsokolate, strawberry, at pistachio!”

“Apat-na-kulay na sorbetes! Mayroon itong pantanging kahulugan,” pahayag ng nangangasiwa sa pagkain. “Ito’y upang ipagdiwang ang ating pagbabago tungo sa apat-na-kulay [lahat ng kulay] na pag-iimprenta!”

Ang masigabong palakpakan na sumunod dito ay hindi lamang para sa sorbetes sa silid kainan. Ito’y bilang pagpapahalaga sa bagong mga palimbagan sa pagawaan na nagsimula nang gumawa ng mga magasing Bantayan at Gumising! sa apat na kulay. Ang apat na kulay na paglilimbag ay umiiral na sa buong daigdig. Ang Nigeria ang huli sa malalaking palimbagang sangay na binago tungo sa apat-na-kulay na paglilimbag​—isang hakbang sa pagbabago na nagsimula noong kalagitnaan ng mga taóng 1980. Sa Marso 15, 1994, labas ng Ang Bantayan, ang dalawang-kulay na paglilimbag ay hindi na ginagawa sa Nigeria.

Ang dalawang Koenig at Bauer Rapida 104 na mga palimbagan ay nanggaling sa sangay ng Netherlands. Kasama ng mga palimbagan, dumating ang iba pang mga kagamitan sa pag-iimprenta: plate scanner, folder, stitcher, trimmer, at sheeter. Lahat-lahat, ito’y umabot ng 130 metrikong tonelada ng mga kagamitan.

Mga Palimbagan na Lumulutang sa Hangin!

Kasabay ng pasiyang ipadala ang mga palimbagan ay dumating ang problema kung paano ipadadala ang mga ito. Ang tatlumpu’t-limang-toneladang mga palimbagan ay hindi magkakasiya sa isang maleta! Si Bernd Sauerbier, na nag-organisa sa pagpapadala mula sa Netherlands, ay nagsabi: “Kailangang pag-isipan namin kung paano ipadadala ang mga makina sa pinakamabuting paraan upang maingatan ang mga ito mula sa pinsala.”

Karaniwan na ang gayong mga palimbagan ay ipinadadala na nakalagay sa loob ng pagkalaki-laking mga kahon na kahoy. Gayunman, ang mga kapatid na lalaki ay nangangamba na hindi matagalan ng kahoy ang mga kahirapan ng paglalakbay sa dagat bukod pa sa pagkakarga at pagdidiskarga sa tabi ng daungan. Ang mas mura at mas ligtas na mapagpipilian ay ang pagpapadala nito sa 40-piye-haba na bakal na mga shipping container. Ngunit paano mo maipapasok at mailalabas ang gayong pagkalaki-laking mga makina sa mga container? Si Brother Sauerbier ay nagsabi: “Isa itong hamon sapagkat wala kaming karanasan sa pagkakarga ng mga palimbagan sa mga container. Kahit na ang kompaniyang gumawa ng mga palimbagan ay walang idea kung paano ipadadala ito sa ganitong paraan.”

Ang solusyon ay kinasangkutan ng paggamit ng mga air cushion, kilala rin bilang air-filled modules. Ang mga air cushion na ito ay hindi kahanga-hangang tingnan, subalit mabigat ang nagagawa nito. Ang mga ito ay patag na mga yunit na yari sa aluminyo at goma, parang mas malaki at mas mabigat kaysa isang portpolyo. Ang compressed air ay ibinobomba dito at itinutulak pababa. Iniaangat nito ang mga air cushion nang bahagya sa ibabaw ng lupa pati na ang anuman na nakapatong dito.

Sa ganitong paraan, kahit na ang mga bahagi ng palimbagan na tumitimbang ng maraming tonelada ay maaaring alalayan sa ibabaw ng manipis na cushion ng hangin. Ito ay lilipad-lipad, lumulutang sa hangin! Minsang maiangat ang isang bahagi ng palimbagan sa lupa, madali na itong itulak saan mo man nais itong itulak.

Ang mga Saksi ay naglagay ng hardboard sa sahig ng mga container upang maging madaling gamitin ang mga air cushion sa loob nito. Tinitiyak rin nito na ang sahig sa bawat container ay talagang patag. Minsang ang mga makina ay nasa loob na ng mga container, ang mga kapatid na lalaki ay naglagay ng mga baras na bakal sa mga gilid at tuktok ng bawat container upang gawing mas ligtas ang kargo. Gumugol ng dalawang linggo noong Agosto 1993 upang maisakay ang lahat ng mga bahagi sa mga container.

Noong Disyembre 29, 1993, sa ganap na ika–6:00 n.g., ang unang limang container ay dumating sa gusali ng Bethel sa Nigeria. Ang mga kapatid ay naghihintay, sabik at handang simulan ang mahirap na gawain ng pagdidiskarga. Nagtrabaho sila ng buong magdamag hanggang sa madaling-araw. Yamang ang makinarya ay naimpake sa mga air cushion, ang mga manggagawa ay nagpasok ng pressurized na hangin, at piraso por piraso, ang mga bahagi ng palimbagan ay sumalimbay palabas ng mga container. Pagkatapos ay binuhat ng mga grua (crane) ang bawat bahagi sa isang platporm na pantanging itinayo sa may pasukan ng pagawaan. Muli na namang ginamit ang mga air cushion, at habang isang pulutong ng masiglang mga miron ang nagmamasid, ang mga makina ay itinulak ng kamay kung saan ito tatakbo.

Nakatutuwang Reaksiyon sa Apat-na-Kulay na mga Magasin

Noong ika–7:45 n.g., ng Pebrero 3, 1994, ang mga palimbagan ay naglabas ng unang wikang Ingles na apat-na-kulay na Bantayan na inilimbag sa Nigeria. Di-nagtagal ang mga palimbagan ay nag-iimprenta na rin ng mga magasin sa wikang Yoruba, Igbo, Efik, at Pranses.

Nang ang unang mga kopya ay ipamahagi sa Bethel, ano ang reaksiyon? “Ako’y galak na galak!” bulalas ng isa. “Ang kagandahan nito ay nakahihigit sa anumang ibang publikasyong nagawa sa bansang ito.”

Isa pa ang nagsabi: “Karakaraka nang ito’y maaari nang makuha, ako’y kumuha ng 20 kopya, na ipinadala ko sa koreo sa aking pamilya at mga kaibigan. Nasasabik na akong gamitin ang mga ito sa larangan.”

Ang isa pa, nang tanungin kung ano ang nadama niya tungkol sa bagong apat-na-kulay na mga magasin, ay sumagot: “Kahanga-hanga! Isa pa itong katibayan na si Jehova ay nagmamalasakit sa lahat sa buong daigdig!”

Kaya habang ninanamnam ng mga manggagawa sa Bethel ang kanilang apat-na-kulay na sorbetes, naiisip nila ang tungkol sa apat-na-kulay na mga magasin. Ito ay, gaya ng pagkakasabi rito ng isa, “isang dakilang pangarap na natupad.”

[Mga larawan sa pahina 21]

Ang mga bahagi ng palimbagan na tumitimbang ng maraming tonelada ay inalalayan ng manipis na cushion ng hangin

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share