Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 6/8 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagbilang sa mga Bituin
  • Ang Nangungunang mga Pumapatay sa Estados Unidos
  • Mga Bata at Digmaan
  • Iodine sa Asin
  • “Binasbasang-muli” na Istadyum
  • 80,000 Lindol sa 40 Taon
  • Ang Great Green Wall
  • Satanismo sa Bilangguan
  • Naiibang mga Paniwala sa South Seas
  • Pagsusuri sa Panghahalay sa Argentina
  • Malapit Nang Matapos ang Taning na Panahon!
    Gumising!—1985
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1991
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1993
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 6/8 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

Pagbilang sa mga Bituin

Nasubukan mo na bang tumingala sa langit sa gabi na puno ng bituin at nag-isip kung gaano karaming bituin ang makikita mo? Kamakailan ay binanggit ng magasing Sky & Telescope ang matagal nang katanungang ito, at ang sagot ay hindi gayong kadali na masumpungan gaya ng ipinalalagay ng isa. Sinabi ng magasin na ayon sa mga reperensiyang akda sa astronomiya, ang karaniwang tagapagmasid ay maaaring makakita ng 2,862 bituin sa langit sa medyo madilim na lugar sa labas ng lungsod sa hilagang latitud. Subalit hindi lahat ng bituing ito ay nasa itaas ng abot-tanaw sa lugar doon sa anumang oras; marami ang lumilitaw at nawawala. Isa pa, maraming bituin ang madaling makita kapag nasa itaas lamang at hindi naman makita kapag malapit sa abot-tanaw. Iyan ay sa dahilang sa gayong mababang altitud, ang liwanag ng bituin ay kailangang higit na tumagos sa atmospera ng lupa upang makita ng isang tagapagmasid. Naghinuha ang Sky & Telescope na para sa isang tagapagmasid na nasa latitud na 40 digris sa hilaga, halos 1,809 bituin ang maaaring makita sa buong santaon.

Ang Nangungunang mga Pumapatay sa Estados Unidos

Ano ang pangunahing mga sanhi ng kamatayan sa Estados Unidos? Natuklasan sa kamakailang pag-aaral na inilathala sa The Journal of the American Medical Association ang pangunahing panlabas, o walang kaugnayan sa henetiko, na mga salik na sanhi ng mga kamatayan sa isang taon. Pagkatapos ng masinsinang pagsusurbey sa mga estadistika, ang pagsusuri ay naghinuha na mula sa 2,148,000 kamatayan sa Estados Unidos noong 1990, halos 400,000 ang dahil sa sigarilyo; 300,000 dahil sa mga kaugalian sa pagkain at ehersisyo; 100,000 dahil sa alak; 90,000 dahil sa mikrobyo; 60,000 dahil sa nakalalasong bagay gaya ng mga nagpaparumi sa kapaligiran o nagpaparumi sa pagkain o tubig; 35,000 dahil sa baril; 30,000 dahil sa lisyang paggawi sa sekso; 25,000 dahil sa mga aksidente sa kalye; at 20,000 dahil sa paggamit ng bawal na gamot. Lahat-lahat, natuklasan ng pag-aaral na ang gayong panlabas na mga salik ang sanhi ng kalahati sa lahat ng kamatayan sa isang taon.

Mga Bata at Digmaan

Sa nakalipas na sampung taon, napatunayang ang digmaan ay higit na mapanganib para sa mga sibilyan​—lalo na sa mga bata—​kaysa mga sundalo, ayon sa kamakailang ulat mula sa ahensiya ng relief sa Britanya na Save the Children. Ang tagapagsalita ng ahensiya sa labas ng bansa ay sinipi sa isang ulat ng Associated Press na ganito ang sabi: “Siyam mula sa 10 namamatay sa digmaan ay mga sibilyan. Ang mga bata ay kalimitang pangunahing nasasawi​—at sila’y totoong mas malamang na mapatay sa digmaan kaysa mga sundalo.” Ang 25-pahinang ulat na nagtatala sa bilang ng mga batang namatay sa nakalipas na sampung taon sa daigdig, ay naglaan ng sumusunod na nakagigimbal na estadistika. Mahigit na 1.5 milyong bata ang napatay sa mga digmaan sa buong mundo; mahigit na 4 na milyon ang nabalda, nabulag, napinsala ang utak, o napinsala; mahigit na 12 milyon ang nawalan ng kanilang mga tahanan; 10 milyon ang naging mga takas; 5 milyon ang napilitang mamuhay sa mga kampo ng mga takas, at 1 milyon ang napahiwalay sa kanilang mga pamilya. Isa sa bawat 200 bata sa daigdig ang nagkaroon ng mapait na karanasan dahil sa digmaan sa nakalipas na sampung taon at nangangailangan ng tulong upang mapanagumpayan ang kaligaligan sa emosyon.

Iodine sa Asin

Ang kakulangan ng iodine sa pagkain ay nakaaapekto sa kalusugan ng halos 600 milyon katao, gaya ng pagtaya ng United Nations Children’s Fund. Kabilang sa mga naapektuhan, ang kakulangan ang ipinalagay na sanhi ng halos 100,000 na mga sanggol sa isang taon na isinisilang na mga cretin (bansot at may diperensiya sa isip dahil sa malubhang sakit sa thyroid) at napinsala ang pisikal at mental na paglaki ng iba pang 50 milyong bata. Ang kakulangan ng iodine ang sanhi rin ng goiter o bosyo, ang pamamaga ng glandula ng thyroid. Madali naman at di-magastos upang maiwasan ang kakulangan sa iodine​—gumamit lamang ng asin na iodized. Pinagsusumikapan na maging iodize ang mga panustos na asin sa mundo sa taóng 1995 at bawasan ang mga sakit dahil sa kakulangan ng iodine sa taóng 2000.

“Binasbasang-muli” na Istadyum

Isang koponan ng football sa Pescara, Italya, ang humingi ng tulong kamakailan mula sa Katolikong obispo upang alisin ang “kamalasan” na sumasalot sa kanila, ulat ng pahayagang La Repubblica. Nanghihinawa na dahil sa matagal nang “kamalasan” na karaniwang ipinalalagay na idinudulot ng istadyum, hiniling ng pangulo ng koponan ang mabisang pamamagitan ng klero. Noon, binasbasan ng isang pari ang istadyum, at ang koponan ay nanalo nang sumunod na laro nito. Ang mga kawani, tagapagtaguyod, at mga manlalaro na dumalo sa “pagbasbas na muli”​—isang pagdiriwang ng Misa na isinagawa ng obispo mismo sa pinanonooran sa istadyum​—ay umaasa na sa pagkakataong ito ang koponan ay magiging mas mahusay. Nang unang magbukas ang istadyum, binasbasan din ito, subalit “waring naiwala ng pagsasaboy ng insenso sa pasinaya ang kapangyarihan nito,” sabi ng La Repubblica.

80,000 Lindol sa 40 Taon

“Ang istasyon sa pag-aaral ng lindol sa Bensberg malapit sa Cologne [Alemanya] ay nagtala ng mahigit sa 80,000 lindol sa lahat ng bahagi ng daigdig,” ulat ng Frankfurter Allgemeine Zeitung. Ito’y ipinahayag ni Propesor Ludwig Ahorner, pangulo ng istasyon, na siyang tumutunton sa mga lindol at yanig ng lupa sa loob ng 40 taon. Paano naitala ng istasyong ito ang mga lindol na nagaganap sa ibang bahagi ng daigdig? Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga instrumentong napakasensitibo anupat natututop nito ang pinakamahinang mga pagyanig ng lupa na sanhi ng mga hampas ng bagyo ng tagyelo na nababasag sa North Sea Coast, mga 200 kilometro ang layo. Ang pinakamalakas na lindol sa Alemanya na naitala ng istasyon ay yumanig noong Abril 1992. Ito’y sumukat ng 5.9 sa Richter scale.

Ang Great Green Wall

Ang Great Wall of China, na bahagya lamang na nagtagumpay sa pagtataboy ng nananakop na mga hukbo ng Mongol mga dantaon na ang nakalipas, ay maaaring makilala na nang gayon sa wakas. Ayon sa Science News, sapol noong mga taon ng 1950, ang napakaraming sari-saring puno ay naitanim sa tabi ng pader. Ang Great Green Wall na ito, gaya ng tawag dito, ay binubuo ng halos 300 milyong puno. Ang layunin nito: upang magsilbing hadlang sa mga bagyo ng alikabok na humahampas sa Tsina mula sa Gobi Desert at sa iba pang tigang na lugar. Ang mga resulta? Noong mga taon ng 1950, ang lungsod ng Beijing ay kinubkob ng 10 hanggang 20 bagyo ng alikabok tuwing tagsibol, binabawasan ang bisibilidad nang wala pang isang kilometro sa loob ng 30 hanggang 90 oras bawat buwan. Subalit noong mga taon ng 1970, ang bilang ng mga bagyo ay nabawasan ng kaunti pa sa lima bawat tagsibol, nagpapangyari sa mas bahagyang kabawasan sa bisibilidad ng di-kukulangin sa sampung oras sa isang buwan. Sinipi ng Science News ang isang kimiko ng atmospera na nagsasabi na ang napakalawak na hanay ng kagubatan na ito “ay malamang na isa sa pinakamatinding mga programa hinggil sa pagbabago ng panahon sa ika-20 siglo.”

Satanismo sa Bilangguan

Pinagkaitan ng mga opisyal sa bilangguan sa Colorado, E.U.A., ang isang bilanggo ng karapatan na magsagawa ng satanikong mga ritwal sa kaniyang selda. Ipinagbabawal ng Pederal na alituntunin sa bilangguan ang pagsamba sa Diyablo; isa pa, nangatuwiran ang mga opisyal na ang ilang bagay na hiniling ng bilanggo para sa pagsamba​—kasali na ang maikling tungkod na kahoy, isang gong, itim na bata, mga kandila at mga kandelero, isang kalis, at insenso​—ay maaaring gamitin bilang mga armas. Gayunman, binaligtad kamakailan ng huwes ng Pederal sa Denver ang desisyon, nagpasiya na ang bilanggo ay may konstitusyonal na karapatan na magsagawa ng kaniyang relihiyon sa bilangguan. Sinabi pa ng huwes na ang alituntunin laban sa pagsamba sa Diyablo ay wala sa konstitusyon. Ayon sa ulat ng Associated Press, isinulat ng huwes sa kaniyang pasiya ang ganito: “Dapat nating ibigay ang nararapat sa diyablo.” Ang bilanggo ay nasentensiyahang mabilanggo ng sampung-taon sa salang pagdukot ng bata.

Naiibang mga Paniwala sa South Seas

Isiniwalat ng isang ulat para sa Pacific Conference of Churches na nakahimpil sa Fiji na ang matatatag na awtoridad ng simbahan ay nababahala sa paglaki ng tinatawag nilang mga NRG (New Religious Groups) sa Timog Pasipiko. Pangunahin na, ang pinag-aalinlanganang mga NRG ay ang Assemblies of God, ang Seventh-Day Adventists, ang Mormons, mga Saksi ni Jehova, at ang mga miyembro ng relihiyong Baha’i. Halos 20 porsiyento ng mga tagaisla ang sumali sa mga relihiyong ito, sabi ng ulat ni Manfred Ernst. Nagrereklamo ang mga simbahan na hinahadlangan ng mga NRG ang pulitikal na pagbabago dahil sa ilan sa kanila ay hindi sumasali sa mga partido pulitikal o kilusang nagpoprotesta; ang iba ay hindi sumasali sa mga unyon. “Ayon kay Ernst,” sabi ng Mainichi Daily News, “ang mga grupo ng NRG ay nagiging higit na popular dahil sa pagiging di-kaayaaya ng tradisyunal na tatag nang mga simbahang Kristiyano.”

Pagsusuri sa Panghahalay sa Argentina

Mula Enero hanggang Oktubre 1994, isang lalawigan sa Argentina, ang Córdoba ay nag-ulat ng 254 na kaso ng panghahalay. Sinabi ng pahayagang Clarín sa Buenos Aires na “isinaisantabi [ng ulat ng pulisya mula sa Córdoba] ang kuwento na pumapalibot sa mga seksuwal na pag-abuso.” Ang mga nanghahalay ay hindi laging isang gahaman sa sekso na sumusubaybay nang palihim sa di-kilalang mga biktima sa kadiliman; ayon sa ulat na ito, 4 sa bawat 10 katao na nahalay ay pinagsamantalahan sa kanila mismong mga tahanan ng kanilang sariling mga ama, amain, o iba pang mga kamag-anak. Ipinakikita ng ibang mga estadistika sa report ng pulisya na ‘sa 254 na kaso ng panghahalay na iniulat sa taóng ito, 36 porsiyento ang naganap sa mga tahanan ng mga biktima; 23 porsiyento pag-alis sa mga sayawan; 13 na porsiyento sa mga lansangan; 10 porsiyento sa bakanteng mga lote; 6 porsiyento sa lugar ng konstruksiyon; at 3 porsiyento sa mga laruan ng football, sa mga palikuran sa istasyon ng bus, sa mga selda sa bilangguan, at sa mga bus sa ekskursiyon.’ Ang ulat ay niwakasan sa pagsasabi na nalutas ng pulisya ang 66.54 na porsiyento ng mga kaso.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share