Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 6/22 p. 3
  • Mga Hula Tungkol sa Katapusan ng Sanlibutan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Hula Tungkol sa Katapusan ng Sanlibutan
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Kawakasan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Bakit Napakaraming Maling Alarma?
    Gumising!—1993
  • Malapit Na Ba ang Katapusan ng Mundo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
  • Kung Bakit Marami ang Naniniwala na Magwawakas ang Sanlibutan
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 6/22 p. 3

Mga Hula Tungkol sa Katapusan ng Sanlibutan

“Sa loob ng libu-libong taon inihula ng mga propeta ng kaabahan na ang sanlibutan ay malapit nang magwakas.”​—Premonitions: A Leap Into the Future.

NOONG 1033, mga 1,000 taon lamang pagkamatay ni Kristo, ang mga maninirahan sa Burgundy, Pransiya, ay nagkaroon ng malaking takot sapagkat inihulang ang sanlibutan ay magwawakas sa taóng iyon. Ang mga inaasahang katapusan ng mundo ay pinasidhi nang mangyari ang isang di-karaniwang dami ng mapangwasak na bagyo na may kulog at kidlat at isang matinding taggutom. Napakaraming tao ang nagpakita ng pagsisisi sa publiko.

Mga ilang dekada bago nito, habang papalapit ang ikasanlibong taon mula nang kapanganakan ni Kristo (ayon sa kronolohiya na tinatanggap noong panahong iyon), marami ang naniniwala na ang katapusan ng sanlibutan ay malapit na. Ang makasining at pangkulturang gawain sa mga monasteryo sa Europa ay sinasabing halos huminto na. Si Eric Russel ay nagsabi sa kaniyang aklat na Astrology and Prediction: “‘Palibhasa’y nakikini-kinitang nalalapit na ang katapusan ng sanlibutan’ ang karaniwang pananalita sa mga huling habilin na ginawa noong ikalawang hati ng ikasampung siglo.”

Si Martin Luther, na nagsimula ng Repormasyong Protestante noong ika-16 na siglo, ang humula na ang katapusan ng sanlibutan ay malapit na noong kaarawan niya. Ayon sa isang awtoridad, sinabi niya: “Sa bahagi ko, ako’y nakatitiyak na ang araw ng paghuhukom ay napakalapit na.” Isa pang manunulat ang nagsabi: “Sa pamamagitan ng pag-uugnay ng makasaysayang mga pangyayari sa mga hula ng Bibliya maipahahayag ni Luther ang pagiging malapit ng pangwakas na pagkawasak.”

Noong ika-19 na siglo, si William Miller, na karaniwang binibigyang-kredito sa pagtatayo ng Iglesya Adventista, ay humula na si Kristo ay magbabalik sa pagitan ng Marso 1843 at Marso 1844. Bunga nito, inaasahan ng ilang tao noon na sila’y dadalhin sa langit.

Kamakailan lamang, isang relihiyong base-sa-Ukraine na tinatawag na Great White Brotherhood ang humula na ang sanlibutan ay magwawakas noong Nobyembre 14, 1993. Sa E.U.A., isang ebanghelista na nangangaral sa radyo, si Harold Camping, ang nagsabi na ang katapusan ng sanlibutan ay darating noong Setyembre 1994. Maliwanag, ang mga hulang ito tungkol sa mga petsa para sa katapusan ng sanlibutan ay mali.

Ito ba’y nagpangyari sa mga tao na huwag nang maniwala na magwawakas ang sanlibutan? Hindi. “Ang pagdating ng isang bagong milenyo sa taóng 2000,” sabi ng U.S.News and World Report ng Disyembre 19, 1994, “ay nagsimula ng isang pagdagsa ng mga hula tungkol sa katapusan ng mundo.” Iniulat ng magasin na “halos 60 porsiyento ng mga Amerikano ang nag-iisip na ang sanlibutan ay magwawakas sa hinaharap pa; halos sangkatlo sa mga ito ang nag-iisip na ito ay magwawakas sa loob ng ilang dekada.”

Bakit napakaraming hula tungkol sa katapusan ng sanlibutan? May mabuting dahilan bang maniwala na ito ay magwawakas?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share