Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 10/22 p. 3
  • Ano ang Pag-asa Para sa Mas Mahabang Buhay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Pag-asa Para sa Mas Mahabang Buhay?
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Makatutulong ba ang Siyensiya ng Medisina?
  • Hanggang Kailan Ka Maaaring Mabuhay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Kagila-gilalas ang Pagkakagawa Upang Mabuhay, Hindi Upang Mamatay
    Gumising!—1988
  • Gaano Kahaba Maaari Tayong Mabuhay?
    Gumising!—1990
  • Haba ng Buhay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 10/22 p. 3

Ano ang Pag-asa Para sa Mas Mahabang Buhay?

“Taong ipinanganak ng babae, ay may maikling buhay gayunma’y lipos ng dalamhati.”​—Pananalita ni Job, nakaulat sa Job 14:1, “The Jerusalem Bible.”

GAANO kadalas inilarawan nang patula ang kaiklian ng buhay! Katulad ni Job, isang manunulat noong unang-siglo ang nagsabi: “Kayo ay isang singaw na lumilitaw nang kaunting panahon at pagkatapos ay nawawala.”​—Santiago 4:14.

Napansin mo rin ba na ang buhay ay totoong maikli? Mga 400 taon ang nakalipas, si William Shakespeare ay sumulat: “Out, out, brief candle! Life’s but a walking shadow.” (Ang buhay ay napakaikli na parang anino.) At noong nakaraang siglo, isang pinunong Amerikanong Indian ang nagtanong: “Ano ba ang buhay?” Pagkatapos siya’y sumagot: “Ito’y tulad ng kislap ng isang alitaptap sa gabi.”

Gaano kahaba ang inaasahan ng mga tao na itatagal ng kanilang buhay? Inilarawan ni propeta Moises ang kalagayan noong kaniyang kaarawan, mga 3,500 taon na ang nakalipas: “Sa ganang sarili ang mga araw ng aming mga taon ay pitumpung taon; at kung dahilan sa natatanging kalakasan ay umaabot ng walumpung taon, gayunma’y laging may kabagabagan at nakasasakit na mga bagay; sapagkat ito’y dagling napapawi, at kami’y nagsisilipad.”​—Awit 90:10.

Pitumpung taon​—iyan ay 25,567 araw lamang. At ang 80 taon ay binubuo lamang ng 29,219 na araw. Tunay, kakaunti! May magagawa ba upang mapahaba ang buhay ng tao?

Makatutulong ba ang Siyensiya ng Medisina?

Ganito ang sabi ng magasing Science: “Ang inaasahang haba ng buhay sa pagsilang [sa Estados Unidos] ay tumaas mula sa 47 taon noong 1900 tungo sa halos 75 taon noong 1988.” Dahil sa nabawasang dami ng mga sanggol na namamatay sa pamamagitan ng mas mabuting pangangalagang kalusugan at nutrisyon, ang mga tao sa Estados Unidos ay makaaasa ngayon na mabuhay na kasinghaba ng binanggit ni Moises. Gayunpaman, may anuman bang malaking pagsulong na inaasahan sa kung gaano kahaba mabubuhay ang karamihan ng mga tao?

Kapansin-pansin, si Leonard Hayflick, isang kilalang awtoridad tungkol sa pagtanda, ay nagsabi sa kaniyang aklat na How and Why We Age: “Ang mga pagsulong sa biomedikal na pananaliksik at ang pagpapatupad ng pinagbuting medikal na pangangalaga sa siglong ito ay tiyak na nagkaroon ng epekto sa haba ng buhay ng tao, subalit sa pamamagitan lamang ng pagpapahintulot sa mas maraming tao na makarating sa itinakdang sukdulang haba ng buhay ng tao.” Kaya siya’y nagpaliwanag: “Ang inaasahang haba ng buhay ay tumaas ngunit ang haba ng buhay ay hindi; malaki ang pagkakaiba.”

Ano ba ang “itinakdang sukdulan” ng haba ng buhay ng tao? Ang ilan ay nagsasabi na di-tiyak na ang sinuman nitong nakalipas na mga taon ay nabuhay nang mahigit sa edad na 115. Subalit, ang magasing Science ay nagsabi: “Noong 1990, ang pinakamatandang napatunayang edad na naabot ng isang tao ay mahigit lamang na 120 taon.” At maaga sa taóng ito, ang Pranses na ministro ng kalusugan, kasama ang ilang reporter at mga potograpo, ay dumalaw kay Jeanne Calment ng Arles, Pransiya, upang ipagdiwang ang kaniyang ika-120 kapanganakan. Si Moises man ay nabuhay hanggang sa gulang na 120, higit sa katamtamang gulang.​—Deuteronomio 34:7.

Ang mga siyentipiko ba ay nag-aalok ng pag-asa na ang mga tao ay maaaring karaniwang mabuhay nang mahaba o mas mahaba? Hindi, ang karamihan ay hindi. Isang ulong-balita sa Detroit News ang kababasahan ng ganito: “Sinasabi ng mga Mananaliksik na Malamang na 85 ang Sukdulang Katamtamang Haba ng Buhay.” Sa artikulo isang kilalang awtoridad tungkol sa pagtanda, si S. Jay Olshansky, ay nagsabi: “Minsang lumampas ka na sa edad na 85, ang mga tao ay namamatay mula sa pagkasira ng maraming sangkap ng katawan. Sila’y humihinto sa paghinga. Karaniwan na, sila’y namamatay dahil sa katandaan. At walang lunas para riyan.” Susog pa niya: “Malibang mabago ang mga selula ng tao tungkol sa pagtanda, hindi na magkakaroon ng malaking pagsulong sa inaasahang haba ng buhay ng tao.”

Binanggit ng magasing Science na marahil “ang sukdulang haba ng buhay ng tao ay naabot na at na malamang na hindi na magkaroon ng higit pang pagbaba sa dami ng namamatay.” Sinasabing kung maaalis ang lahat ng dahilan ng kamatayang iniuulat sa mga sertipiko ng kamatayan, ang inaasahang haba ng buhay ay tataas sa loob ng wala pang 20 taon.

Sa gayon, minamalas ng maraming siyentipiko ang haba ng buhay ng tao bilang alin sa pangkaraniwang bagay o malamang na magbago. Gayunman bakit makatuwirang maniwala na ang mga tao sa wakas ay mabubuhay nang mas mahaba?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share