Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 2/8 p. 3
  • Mayroon Bang Sinumang Mapagkakatiwalaan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mayroon Bang Sinumang Mapagkakatiwalaan?
  • Gumising!—1996
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nasisira ang Pagtitiwala Sa Lahat ng Dako
  • Mahalaga ang Pagtitiwala Para sa Isang Maligayang Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • May Mapagkakatiwalaan Pa Kaya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Mapagkakatiwalaan Mo ang mga Kapatid
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Paano Ko Makukuha ang Tiwala ng mga Magulang Ko?
    Tanong ng mga Kabataan
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 2/8 p. 3

Mayroon Bang Sinumang Mapagkakatiwalaan?

“Isa siya sa iilang tao na hindi kapamilya na lubusang pinagkakatiwalaan ng aking mga magulang. . . . Ipinakita niya na siya’y mabait at mapagmalasakit na tao na hindi kailanman gagawa ng anumang bagay na makasasakit sa amin. . . . Isa siya sa ilang tao sa buhay ko na pinagkatiwalaan ko nang lubos.”

GANIYAN inilarawan ng isang kabataang babae ang pagtitiwala niya sa doktor ng kanilang pamilya. Nakalulungkot sabihin, ito’y isang lubhang nagkamaling pagtitiwala. Sapagkat nang siya’y 16 na taóng gulang, siya’y pinagsamantalahan ng doktor na ito. “Nagsinungaling siya sa akin at nilinlang niya ako,” sabi niya sa mga awtoridad sa hukuman na naggawad ng parusa.​—The Toronto Star.

Nasisira ang Pagtitiwala Sa Lahat ng Dako

Ang pagtitiwala, tulad ng isang maganda subalit maselang bulaklak, ay maaaring madaling mabunot at yurakan ng paa. Ito’y sinisira sa lahat ng dako! Ganito ang sabi ni Michael Gaine, na kalihim sa dalawang kardinal-arsobispo sa Inglatera: “May panahon nang ang lahat ay nagtitiwala sa isang pari. Nang ipinagkakatiwala ng mga pamilya ang kanilang mga anak sa kaniyang pangangalaga. Hindi ko na maaasahan iyan sa ngayon. Wala na sa amin ang pagtitiwalang iyan magpakailanman.”​—The Guardian Weekend.

Dinadaya ng mga negosyante ang mga kakumpetensiya. Inililigaw at pinagsasamantalahan ng tusong mga tagapag-anunsiyo ang mga mamimili. Ninakaw ng isang walang pusong opisyal ang mga pondo sa pensiyon ng kaniya mismong kompaniya, pinagnakawan ang kaniyang mga empleado ng kanilang reserbang pondong salapi. Ang mga empleado ay laging nagnanakaw sa kanilang mga amo. Halimbawa, isang ulat ang nagsasabi na “ang mga negosyo sa Canada ay nalulugi ng tinatayang $20 bilyon isang taon mula sa mga pagnanakaw sa loob.”​—Canadian Business.

Hindi lahat ng pulitiko ay hindi mapagkakatiwalaan. Subalit ang mga ulat na gaya ng sumusunod ay nakagugulat sa iilang tao: “Dalawang linggo pagkatapos ng pataksil na pagpatay sa isa sa pinakakontrobersiyal na babaing pulitiko sa Pransiya, inilalantad ng pulisya ang pulitikal na pandaraya at kriminal na pagsasabwatan na malaon nang nakatakip sa larangang ito ng pamahalaan sa baybayin ng Mediteraneo.”​—The Sunday Times, London.

Kalimitan, nang nasisira ang pagtitiwala sa malapít na mga kaugnayan. Ang mga asawang lalaki at babae ay nagtataksil sa kani-kanilang asawa. Inaabuso ng mga magulang ang mga anak. Dinadaya ng mga anak ang mga magulang. Nang buksan ang mga dokumento ng kasaysayan ng Stasi, mga sekreta sa dating Silangang Alemanya, ang mga ito’y nagsiwalat ng isang “malaganap na sistema ng pandaraya” ng mga taong itinuturing na mga kaibigan. Sa isang magkakaugnay na grupo ng pagkakanulo, sabi ng isang ulat, “ang mga galamay ng Stasi ay umaabot hanggang sa mga silid-aralan, sa pulpito, sa silid-tulugan, kahit na sa kumpisalan.”​—Time.

Sa Ireland isang kolumnista ang sumulat: “Kami’y sinabihan ng kasinungalingan, kami’y iniligaw at kami’y ginamit at inabuso at hinamak niyaong mga inilagay namin sa mga puwesto ng kapangyarihan.” (The Kerryman) Dahil sa sila’y madalas nang ipagkanulo, maraming tao ang hindi na nagtitiwala. Ano ang maaari nating gawin upang matiyak na ang ating pagtitiwala ay hindi magkamali? Susuriin ng susunod na dalawang artikulo ang tanong na ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share